Killing Spree

11 2 1
                                    

Castor

Nakapalibot kaming tatlo nila Zaiden at Calin kay Oceane. Naglabas ng panibagong apoy sa kanyang palad si Oceane. Mapapansin ang hugis ibon na apoy nito na siyang sumisimbulo sa Fire Phoenix. Ngunit ang hindi namin inaasahan ay ang walang habas na pagpaslang ni Bain sa mga myembro ng Ministerium.

Nakita ang mabilis na pagkilos ni Nazar para tulungan si Miranda sa mga golem. Napalingon din ako sa iba pa at naging bala na sila sa mlalaking golem na siyang umaatake sa kanila. Naging abala naman ang apat na guardian kay Bain matapos nitong mapatay ang lahat ng kasama ni Miranda. Sumugod na din si Calin sa dalawang golem na papalapit sa amin.

Oceane

Naramdaman ko ang pagbabago ng kulay ng aking mata. Kitang kita ang lahat, malinaw ang aking paningin. Pinalipad ko ang aking apoy sa paligid ng lahat at pinuntirya ang mga golem. Bumagsak ang mga ito at parang batong nabasag dahil sa kanyang ginawa ngunit muli itong nabuo na para bang may sariling buhay. Samantala, naging abala naman ang apat na guardian sa palitan nilang atake kay Bain. Nang magsabay sabay ang pag labas ng kanilang mga kapangyarihan ay lumakas ang enerhiya sa paligid.

Napalingon ako kay Papa na noon ay kasama si Mama na abala sa pakikipaglaban sa mga golem. Lumingon din ako kina Zaiden at Castor. Nawala na si Calin sa tabi ko kaya malaya na akong nakaalis sa proteksyon ng dalawa. Lumapit ako sa isang golem para malaman ko kung ano ang nagiging dahilan kung bakit nabubuo ulit ito. Sa bawat atake nito ay tinitingnan ko ang bawat joints nito na siyang naging dugtungan ng kanyang mga braso, kamay at iba pang bahagi ng katawan.

Zaiden

Hindi ko makita si Oceane paglingon ko. Nawal siya bigla sa tabi ko at hindi ko siya makita. Napatingin ako kay Castor na noon ay abala na din sa pakikipag laban sa mga golem ngunit kahiot anogn gawin namin ay nabubuo pa rin ito. Nagsimula ko ng hanapin si Oceane, lumingon lingon ako sa paligid at ilang atake ng mga golem ang naiwasan ko.

Napalingon ako sa di kalayuan at nakita ko doon si Oceane, nagmadali akong lapitan siya ngunit hindi pa man din ako tuluyang nakakalapit sa kanya ay may invisible energy na siyang nagtapon sa akin sa di kalayuan. Tumama pa ang aking katawan sa isang golem. Naglabas ng malakas na temperatura ang apoy si Oceane ngunit wala pa rin nangyayari. Nakita ko ang pagluhod niya at dugo sa kanyang ilong. Napasulyap naman ako sa dalawang bampira na umaatake kay Bain ngunit kahit anong gawin nilang dalawa ay hindi sila makalapit. Tumitilapon sila sa malayo at nauulit lang ang proseso.

Miranda

Napaatras ang lahat ng magpatuloy ang mga golem sa paglapit sa kanila. Napalingon naman ako kina Castor at Zaiden Alfiro. Wala doon si Oceane kaya naman napalingon ako.

"Nasaan ang anak ko?"

Muli akong lumingon sa paligid at hinanap ko si Oceane. Iniwan ko si Nazar para lang mahanap ang aking anak. Ngunit ilang hakbang pa lang ang ginagawa ko ay narinig ko na ang malakas na pagtawa mula sa di kalayuan, sa grupo ng mga kabataan na siyang humaharap kay Bain. Masyadong maliwanag ang paligid at wala akong halos makita. Itinakip ko ang aking kamay sa ibabaw lang ang aking kilay para maiwasan ang nakasisilaw na liwanag na iyon.

"Castor!"

Napalingon ako kay Nazar na noon ay mabilis na lumapit kay Castor. Nagtago ako sa likod ng puno at pilit na ikinubli ang aking sarili doon.

Zaiden

Isang nakasisilaw na liwanag ang nakita ko pagbagsak ko sa damuhan. Nakita kong nagtago si Miranda at nilapitan naman ni Nazar si Castor at nagtago din sila kaya naman nagtago din ako sa likod ng pinakamalapit na puno. Pilit kong ikinubli ang aking sarili sa likod ng punong iyon.

Malalakas na sigaw ang narinig ko pagkatapso ng enerhiyang iyon. Lumiwanag ang buong paligid at parang may sariling buhay na dumaan sa paligid ng kakahuyan ang liwanag na iyon. Ilang sandali ang lumipas ay muling tumahik bigla ang paligid, muli itong dumilim. Maingat akong sumilip sa likod ng puno para tingnan ang nangyayari.

Nanlaki ang mata ko ng masunog sa liwanag na iyon ang dalawang babaeng kasama ni Nazar. Unti unting naging abo ang katawan ng mga ito at sumama sa hangin ang mga iyon. Naubos ang lahat ng naroon maliban sa akin, sa apat na guardian, kina Nazar at Miranda, Castor at Oceane. Hindi na si Bain ang nakikita ko ng sandaling iyon kundi ang Dark Lord. Ang totoo nitong anyo.

Kulubot ang balat nito sa mukha at mahaba ang kanyang mga daliri na may mahaba ding kuko. Kulay itim ang mga kuko nito at may hawak itong wand. Nakatayo ang apat na guardian at mukhang hindi sila makagalaw. May ginamit na spell ang Dark Lord sa kanila.

Castor

Maingat kaming sumulip ni Nazar mula sa likod ng natumbang golem. Hindi na ito nabuo pa matapos ng nakasisilaw na liwanag na iyon.

"Miranda!" ang sabi ni Nazar. Nagpalinga linga pa si Nazar sa paligid sa paghahanap kay Miranda.

Aalis sana siya ng hawakan ko ang kanyang braso para pigilan siya. "Anong gagawin mo?"

"Hahanapin ko si Miranda." sabi ni Nazar.

"Sigurado akong ayos lang siya. Hindi mo ba nakikita kung gaano kalakas ang Dark Lord?" tanong ko kay Nazar.

"Wala akong pakialam sa lakas niya ang nais ko ay makita si Miranda." sabi ni Nazar saka mabilis na umalis sa ming pinagtataguan.

Oceane

Napatingin ako sa patay na rabbit na siyang aking nahawakan ng tumayo ako mula sa aking pinagtataguan. Maingat akong tumayo at sumilip sa di kalayuan. Namatay ang rabbit dahil nakita ko na wala na ang kahalating katawan nito. Naabot iyon ng liwanag.

Ang apat na guardian ay nakakulong sa isang itim na usok at pinipigilan sila nitong gumalaw. Napakalakas ng kapangyarihan ng Dark Lord kaya naman natatakot ako. Naisip ko na baka kahit ibuwis ko ang aking buhay ay wala din mangyari. Napansin ko si Dhara, iginagalaw niya ang kanyang daliri. Kumunot ang noo ko ngunit pinanood ko pa rin ang ginagawa niya. Isa iyong Morse Code. Pinag aralan naming dalawa iyon ng makita namin ang libro ng mga earthling sa library. Isa iyong paraan ng communication sa pamamagitan ng text code.

Sinundan ko ang bawat galaw ng daliri ni Dhara ilang sandali pa ay nakuha ko ang nais niyang sabihin. Bigla akong nakaramdam ng kaba, natatakot ako. Gusto ni Dhara na labanan ko ang Dark Lord. Alam kong malakas ako pero ang labanan siya, hindi ko alam kung kakayanin ko.

Natigil ang aking pag iisip ng mapansin ko si papa na mabilis na tumaktakbo na para bang may hinahanap. Ngunit nakita ko ang paghinto niya na para bang hindi siya makakilos. Mayamaya ay lumabas naman si mama. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon