Oceane POV
"Kilala mo na siya?" tanong ni Brean
Hindi pa rin inaalis ng lalaki ang ngiti sa kanyang labi habang nakatitig sa akin. Feeling ko inaasar niya ako.
"Oo naman, malapit na nga kami sa isa't isa." Sabi pa nito
"Kapal mo naman, kelan pa tayo naging close?" inis kong sabi
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Castor sa aking kamay, tiningnan niya ako.
"Relax.." bulong ni Castor
HUminga ako ng malalim, kailangan kong ihanda ang sarili ko. Hindi ko alam kung sino ang Gurdian ng hangin.
Unang lumapit sa akin si Brean. Tumitig muna siya sa akin bago siya nagsalita.
"Handa ka na ba?" tanong nito
"Oo naman." Simpleng sabi ko
Bahagya lang ngumiti si Brean pagkatapos ay hinarap si Castor.
"Tumabi muna tayo." Sabi nito kay Castor
Hinarap naman ako ni Castor. Hawak pa rin niya ang aking kamay.
"Relax and focus.." bulong ni Castor
Tumango naman ako saka bahagyang ngumiti. Kinakabahan ako, ngunit kailangan ko ng gawin ito. Nagsimula ng maglakad si Brean papalayo at sumunod na rin si Castor.
Nakatingin sa akin ang tatlong lalaki, hindi pa rin sila lumalapit sa akin.
"Siguro kailangan mamili ka na lang sa amin kung sino ang gusto mong unang makalaban." Sabi ni Dhara
"A-ako ang pipili?" tanong ko
"Bakit, mas gusto mo bang mag unahan kami sa pag atake o gusto mong sabaysabay kaming susugod sayo?" sabi naman ng lalaking nagpapakulo ng aking dugo
"Wala akong pakialam kung sabay sabay kayong sumugod. Nakahanda ako!" sabi ko
NAgkatinginan ang tatlong lalaki, may pang aasar naman sa ngiti ng isa sa kanila.
"Sige ako na lang ang mauna.." sabi ni Dhara
"Ako na lang kaya?" sabi na naman ng lalaki
"Sigurado ka?" tanong ni Dhara
"Oo naman." Sabi nito
Umurong naman si Dhara at ang isa pang lalaki. Nakangiting lumalapit naman sa akin ang una kong makakalaban.
"SA tingin mo ba, kaya mo ako sa ganyang ayos mo?" tanong nito
"What?" maang na tanong ko
Castor POV
Di kalayuan an gaming kinatatayuan, hindi ko maalis ang aking tingin kay Oceane. Halos mamatay na siya nun makalaban niya si Brean, at ngayon 3 pa ang haharapin niya, baka hindi kayanin ng kanyang katawan.
"Ikaw, anong kapalit ang gusto mong makuha kay Oceane?" tanong ko kay Brean
"Ano sa tingin mo?" sabi naman nito
Napatingin ako muli kay Oceane pagkatapos ay kay Brean.
"Sa palagay ko hindi mo naman kailangan ng pera at kapangyarihan, ano pa ba ang maari mong makuha sa kanya bukod sa kanyang buhay?" sabi ko naman
Nagsmirked si Brean. "Buhay?"
"Alam kong alam mo na may ibang tao na siyang kukuha ng kanyang buhay..." sabi ko naman
Iniisip ko pa lang na gagawin iyon ni Zaiden Alfiro, nakakaramdam na ako ng poot.
"Kung magsalita ka, parang alam mo lahat.." sabi nito
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of Darkness
FantasyLumabas na ang nagtatagong kapangyarihan ng Infinity, ngunit katulad ng inaasahan kailangan niya ng gabay para makontrol ang kapangyarihan na ito. Ano ang magiging role ng Knight of Darkness sa Infinity? Paano na si Zaiden Alfiro kung matutupad ang...