The Coven
Bain's POV
Biglaan nagpatawag ng pagpupulong ang Coven. Ilang daang taon na ang lumipas nun huling nagpatawag ng pulong ang mga Eldest, bago pa lang ako sa coven noon.
"Anong meron? Bakit nagpatawag ng pagpupulong ang mga Eldest?" tanong ko
Kasabay kong naglalakad si Janus at Athena papunta sa grandhall kung saan madalas nagdadaos ng pagpupulong.
Nagkibit balikat si Janus sa tanong ko. Si Athena naman ay hindi nagsalita, nakaramdam ako na may alam si Athena at hindi lang niya sinasabi sa akin.
Halos kumpleto na pala ang Coven nun dumating kami, sa bandang likod kami naupo. Makikita sa harapan ang apat na Eldest. Katulad sa kanilang bansag, matatanda na sila at higit na sa ilang daang taon ang kanilang edad. Nagbubulungan ang mga ito at nag uusap usap sila sa mga lengwahe na hindi ko maintindihan. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila, sigurado akong mahalaga ang pag uusapan ngayon.
Bahagya pa akong nagulat ng mapansin ko ang isa sa mga Eldest na nakatingin sa akin, diretso ang kanyang tingin, walang kurap na para bang may nababasa siya sa aking isip. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya, siya ang sinasabing dapat iwasan sa mga Eldest, bukod sa nakakatakot daw ito, siya ang inaakusahan na may koneksyon sa Dark Sorcerer.
"Bakit ganyan siya makatingin sa'yo Bain? May ginawa ka bang hindi mo sinasabi sa amin?" tanong ni Athena
Napatingin ako kay Athena, nakatingin ito sa Eldest pagkatapos ay sa akin.
"W-wala naman, sa pag kakaalala ko." Sabi ko
"Halika.."
Tumayo si Athena saka hinawakan ang aking braso at hinila ako sa pinaka likuran pa na upuan. Doon ay natatakpan kami ng mga nakaupo sa aming unahan.
"Bakit tayo lumipat?" tanong ko
"Hindi mo ba nahahalata, sinusuri ka niya."
"Alam ko, pero bakit kailangan nating lumipat ng upuan?"
"Paano kung mabasa ka niya? Katapusan mo na."
"Hindi ako natatakot na basahin niya, wala akong ginagawa na ikakagalit ng mga Eldest." Sabi ko
"Sigurado ka ba na wala kang natatandaang ginawa?"
"Wala nga, ang kulit mo."
Hindi na nagsalita si Athena, imbes umupo siya ng maayos at muling humarap sa mga Eldest na di kalayuan sa aming harapan.
Castor POV
Hindi pa rin nagigising si Oceane matapos ang laban nila ni Brean. Nakapagtataka pa, kakaiba na rin ang ikinikilos ng Spirit Guardian, hindi na rin siya masyadong maangas katulad nun una ko siyang nakilala.
"Bakit hindi pa rin siya nagigising?" tanong ko kay Brean
Nakaupo siya sa sofa ako naman ay nakatayo sa tapat niya habang nakasandal sa pader. Tambay kami sa labas ng silid ni Oceane, ayaw kami papasukin ni Nurse Ayo sa loob dahil tapos na raw ang oras ng pagbisita kaya nakiusap si Brean na sa labas kami maghihintay.
"Baka napagod siya. Mahirap ang laban namin, lalo pa't pinahirapan ko siya ng sobra." Sabi nito
Hindi ako nagsalita. Totoo naman ang sinabi niya, pinahirapan niya si Oceane, halos puno nga ng sugat ang katawan niya nun huli ko siyang nakita.
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ni Brean
"Bakit concern ka yata ngayon sa kanya?" tanong ko
Nagsmirked ito. "Hindi ko inaasahan na siseryosohin mo ang lahat, bampira."
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of Darkness
FantasyLumabas na ang nagtatagong kapangyarihan ng Infinity, ngunit katulad ng inaasahan kailangan niya ng gabay para makontrol ang kapangyarihan na ito. Ano ang magiging role ng Knight of Darkness sa Infinity? Paano na si Zaiden Alfiro kung matutupad ang...