Athena
Nagluluksa ang buong coven nun bumalik kami ni Hanna. Wala na si Janus, at nawawala naman si Bain, ang buong akala namin ay bumalik ito sa coven ngunit iba ang nadatnan namin.
"Bakit nagluluksa ang lahat?" tanong ko kay Mira, isa sa mga batang bampira na nakasalubong namin sa grand hall.
"Wala na ang lahat ng Eldest.." sabi ni Mira
"W-wala? Anong ibig mong sabihin na wala na?" tanong ni Hanna
"Pinasalang sila." Sabi ni Mira
"Sinong pumaslang sa kanila?" tanong ko
"Si Bain, halos inubos niya ang mga bampira." Sabi ni Mira
"Ano?" sabay na sabi namin ni Hanna
Unti unti naman kaming pinalibutan ng iba pang bampira.
"Kung hindi kami nakapagtago, malamang abo na rin kami katulad nila.." sabi naman ni Vlad
"Hindi namin maintindihan, kailan nangyari ito?" tanong ni Hanna
"Kanina, ilang oras pa lang ang nakakaraan. Kami na lang ang natira sa coven." Sabi naman ni Rosel
Nagkatinginan kami ni Hanna, mukhang tama ang hinala namin.
"Ang kakaibang ingay na narinig natin kanina..." sabi ko kay Hanna
Nakatayo kami ni Hanna sa tapat ng altar kung saan naroon ang mga abo ng mga Eldest.
"Si Bain.. isa siyang traydor." Sabi ni Hanna
"Sinabi ko na, may kakaiba kay Bain.." sabi ko naman
Hindi lumingon o tumingin sa akin si Hanna, imbes ay tumalikod ito.
"Saan ka pupunta?" tanong ko
"Hahanapin ko si Bain at ipaghihiganti ko ang mga Eldest." Mariin na sabi ni Hanna
Hinawakan ko siya sa braso. "Sasama ako sa'yo pero may kailangan muna tayo hanapin sa mga gamit ng mga Eldest."Lumingon sa akin si Hanna.
Castor
Tahimik ang paligid, kahit ang ingay mula sa mga kuliglig ay wala kang maririnig, kakaiba rin ang ihip ng hangin, may kung anong aura sa paligid. Malakas ito, alam ko, ang itim na dugo sa aking katawan, para bang gusto nitong makawala sa aking katawan.
"Ito na ang pinakahihintay natin.." sabi ni Marcus
"Sa palagay ko nga, nararamdaman ko ang lakas niya." Sabi naman ni Levi
"Paano ang isang ito?" tanong naman ni Brean sabay tingin sa akin.
"Kaya kong lumaban, wag mo akong maliitin." Sabi ko kay Brean
"Hindi ikaw ang tinutukoy ko.." sabi ni Brean
Humarap sa akin si Dhara, hinawakan ako sa balikat. "Mabuti pa Silverwood, magtago ka muna kasama siya, hindi mo kakayanin lumaban sa kanya."
"Kaya kong lumaban." Sabi ko naman
"Mag isip ka nga bampira, hindi niya dapat makuha ang babaeng yan." Sabi naman ni Marcus
Sasabat pa sana ako ng unahan ako ni Dhara. "Hindi maaring magbantay kami sa itinakda, kailangan niyang manatiling ligtas hangang sa ikalabing walong kaarawan niya."
"Sino ba ang makakalaban?" tanong ko
"Ang tapang mo kanina, hindi mo naman kilala ang kalaban." Sabi ni Brean
Tiningnan ko siya ng masama ngunit dedma lang ang ginawa ko sa guardian ng apoy.
"Lamia, isang lamia ang nagmamasid sa atin ngayon." Sabi ni Levi
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of Darkness
FantasyLumabas na ang nagtatagong kapangyarihan ng Infinity, ngunit katulad ng inaasahan kailangan niya ng gabay para makontrol ang kapangyarihan na ito. Ano ang magiging role ng Knight of Darkness sa Infinity? Paano na si Zaiden Alfiro kung matutupad ang...