Epilogue

25 3 6
                                    

After Two years

Oceane

May weird na nangyayari sa bahay, palaging may cupcakes na nakahain sa lamesa. It was freshly bake. Tinanong ko si Mama kung siya ang nagbe-bake ngunit sinabi niya na hindi siya. Si Papa naman bagaman marunong magluto imposible na siya ang gumawa noon. Araw araw may supply kami ng cup cake at noong nakaraang araw ako ang naka-received ng cupcake at may notes akong nakita.

I will do it in two days

Kumunot ang noo ko mayamaya ay dumating naman si Mama. "Wow, may cupcakes na naman."

"Ma, kanino galing ang cupcakes na iyan? Isang lingo simula ng magising ako palagi ka ng may supply na cupcake, don't tell me may nanliligaw sayo?" tanong ko kay Mama.

Hindi ko inaasahan ang malakas na pagtawa ni Mama. "Hindi ko ipagpapalit ang Papa mo kahit kanino."

"Kung ganoon kanino galing ang mga cupcakes mo?"

Hindi sumagot si Mama, imbes ay binasa niya ang notes na nakalagay sa kahon ng cupcakes.

Lumipas pa ang dalawang araw at nagising ako ng may naramdaman akong sakit sa daliri ko. Napabalikwas ako sa kama ng makita ang owl sa ibabaw ng kama ko. Mabilis itong lumipad palabas ng bintana.

"Aw, ang sakit naman." reklamo ko ng makita ang sugat sa aking thumb dahil sa pagtuka ng ibon. Dumugo iyon at agad kong pinahid ng panyo na nasa ibabaw ng bedside table ko.

Napatingin ako sa sobre sa ibabaw ng aking kama at mula iyon sa Academy. Excited ko iyong binuksan. Nang mabasa ko ang loob nito ay nanlaki ang aking mga mata.

"Mama, Papa!"

Malakas kong sigaw habang nakatitig ako sa sulat na natanggap ko ng araw na iyon.

"Anong nangyari?"

Napalingon naman ako kay Papa na noon ay may hawak na wand na para bang may kalaban na umatake sa akin. Bahagya akong natawa. Naupo naman si Mama sa tabi ko at kinuha ang sulat na hawak ko.

"Merlin's hat...." gulat na sabi ni Mama.

Kumunot ang noo ni Papa. "Ano iyan?"

"May lisensiya na ang anak natin!" masayang sabi ni Mama.

"Ibig bang sabihin...." napalingon sa akin si Papa. Ngumiti ako at bigla na lang niya ako niyakap at binuhat na ikinagulat ko. "Congrats anak, isa ka ng registered witch!"

"Papa, ibaba mo po ako baka mamaya mahulog pa ako." sabi ko naman.

"Oceane...."

Napalingon kaming lahat ng makita si Castor sa may pintuan. Katulad ko mukhang bagong gising din ito. Magulo pa ang buhok nito at nakapantulog pa. Nang makita ni Castor sina mama at papa ay bigla itong pinamulahan ng mukha.

"Ang cute mo talaga kapag nagbablush ka..." sabi ko naman saka mabilis na nilapitan si Castor at niyakap. Inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya sa mata. "Registered wizard ka na rin hindi ba?"

Tumango naman si Castor. "O-oo."

Muli kong niyakap si Castor. After ng mga nangyari sa amin, hindi namin akalain na makakahabol kami sa exam at makakapasa pa.

Castor

Para naman akong manlalambot ng sandaling iyon. Niyakap ako ni Oceane at masaya siyang binati din ako. Pumasa kami sa licensure exam bilang mga wizard at witch, at ang ibig sabihin, legally, lahat ng nagagawa ng mga Class S to Z na wizard at witches ay maari na rin namin gawin. Maari na din kami magtrabaho sa profession na nanaisin namin.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon