Castor POV
Hindi ko maintindihan, malimit na ang pagsakit ng aking mga katawan bukod pa sa parang pinapaso ang aking kaliwang dibdib, ngunit wala naman akong makita na kahit anong sugat. Pakiramdam ko ay nanghihina ako, ang aura ko ay parang gustong kumawala sa akin.
"May problema ba Castor?" tanong ni Miranda
Umiling ako. "W-wala naman."
"Sigurado ka? Parang hindi ka okay." Sabi nito
"Ayos lang ako, kailangan ko lang magpahinga."
"Sige, bahala ka. Kung maari sana humingi ako ng pabor sayo." Sabi ni Miranda
"Oo naman. Ano iyon?"
Naupo siya sa aking tabi, matapos lumingon lingon sa paligid.
"May pupuntahan kami ni Nazar at hindi ito alam ng aming anak." Sabi niya
"Saan kayo pupunta? Kung gusto mo ako na lamang ang sasama sa kanya para..."
"Hindi maari, delikado ang aming lakad at ayoko na mapahamak ka. Kaya kung maari ay ikaw ang bahala sa aming anak habang wala kami."
"Hindi mo na kailangan sabihin iyan, gagawin ko yan." Sabi ko
Ngumiti si Miranda, hinawakan nito ang aking kamay. Maini tang kanyang kamay, nararamdaman ko ang pagdaloy ng kanyang dugo sa kanyang mga ugat.
"Maraming salamat."
Tumayo si Miranda at naglakad papalapit sa pintuan.
"Kailan ang inyong alis?" tanong ko
"Mamayang bukang liwayway, ayaw namin na maabutan ng liwanag sa daan, masyadong delikado."
"Kung ganoon mag iingat kayo."
Ngumiti muli si Miranda saka tuluyang lumabas ng silid ko.
Zaiden POV
Hapon ng umuwi si Dad mula sa office, hindi niya kasama si Kuya. Mula sa bintana ay tanaw ko si Dad na pumasok sa gate at naglakad sa garden. Agad naman siyang sinalubong ni Seven at kinuha ang dala nitong bag.
Mabilis akong lumabas ng silid ko, bumaba sa hagdan at sinalubong si Dad sa sala. Ngunit mabilis itong naglalakad at hinahabol siya ni Seven na halos hindi mabuhat ang dala nitong bag. Hawak na ni Dad ang doorknob ng kanyang office sa bahay, ang library namin.
"Dad!" sigaw ko
Napalingon si Dad sa akin bago niya tuluyang nabuksan ang pintuan ng library.
"Pwede ba tayo mag usap?" sabi ko
Sa library, nakaupo kaming dalawa ni Dad sa sofa. Hawak niya ang kanyang tabaco na ilang beses na rin niyang hinihithit mula nun pumasok kami sa silid na iyon.
"Anong pag uusapan natin?" tanong ni Dad
Bago ako nakasagot ay pumasok sa loob ng silid si Seven na may dalang tray. Inilapag nito ang dalawang tasa sa ibabaw ng table sa harapan namin. Nang matapos ay nagpaalam na si Seven.
"Anong plano mo Dad?" diretsong tanong ko
"Plano?" balik tanong ni Dad
"Alam kong may plano ka Dad, at alam ko na inutusan mo si Kuya na sabihin sa akin ang lahat para hindi ko isipin ang plano mo, para hindi ako humadlang sa mga binabalak mo."
Nag smirked si Dad, humigop siya ng tsaa bago ako sinagot.
"Inutusan? Ang baba pala ng pagtingin mo sa nakatatanda mong kapatid." Sabi ni Dad
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of Darkness
FantasíaLumabas na ang nagtatagong kapangyarihan ng Infinity, ngunit katulad ng inaasahan kailangan niya ng gabay para makontrol ang kapangyarihan na ito. Ano ang magiging role ng Knight of Darkness sa Infinity? Paano na si Zaiden Alfiro kung matutupad ang...