Earth and Fire

401 15 7
                                    

Oceane POV

Katulad ng gabi gabi kong ginagawa, tumakas ulit ako sa Academy makalipas ang hating gabi para mag ensayo. At ang nakakainis, walang nangyayari sa ginagawa ko. Hindi sumusunod ang aura ko sa akin. MInsan nga nauubusan na ako ng lakas dahil sa sobra sobrang paglalabas ko ng aura ko.

"Ugh! Nakakainis!" sabi ko

Nagawa kong maglabas ng apoy sa aking mga palad, pero hindi iyon ang kailangan ko. Walang maitutulong ang apoy sa akin, ang kailangan kong pag aralan ay ang aura ko, kung paano ko mapapalakas ang aking pakiramdam sa mga aura sa paligid, kung paano ko malalaman kung sino sino ang may ari ng aura, kung mabuti ba ito o masama dahil alam ko, ito ang kahinaan ko. Ang pagiging komportable ko sa mga taong nakaksalamuha ko ang siyang magpapahamak sa akin at siyang gagamitin ni Brean para hindi ipagkatiwala sa akin ang kapangyarihan niya. Sa pagkainis ko, naupo ako sa damuhan, pabagsak dahil nagdadabog ako. Sunod sunod na suntok sa damuhan ang ginawa ko maalis lang ang pagkabadtrip ko.

"Oh mainit na naman ang ulo mo."

Napalingon ako sa nagsalita. Ang lalaking wala yatang ginawa sa buhay niya kundi ang panoorin ako habang nagpapractice. Tumayo ako at hinarap siya.

"What are you doing here, again?" I stretched the word again.

Ngumiti ang lalaki na palagi niyang ginagawa pag kausap ako. "As what I always do."

Tumaas na naman ang isa kong kilay. "Ikaw ba, walang magawa?"

"Bakit ka highblood, pinapanood ko lang naman ang ginagawa mo." Sabi nito

"Yun na nga eh, pinapanood mo ako, kaya na di- distract ako sa pag aaral ko."

"As far as I know, hindi mo alam na pinapanood kita, unless na magpakita ako sayo." Sabi nito

Natahimik ako. Totoo naman ang sinasabi niya, may times na hindi siya nagpapakita sa akin na buong akala ko ay hindi siya tumatambay buong magdamag para panoorin ako.

"Simula nun una tayong nagkita dito, palagi akong nanonood sayo, mula sa pagtakas mo sa Academy hanggang sa pag uwi mo. Hindi mo ba ako nararamdaman?" tanong nito

Huminga ako ng malalim, napasimangot. Naupo ako sa damuhan. Napahiya ako, nagsusungit ako sa lalaking ito, pero kung tutuusin, mahina naman ako. Hindi ko nga alam na gabi gabi pala niya ako pinapanood.

"I'm hopeless. Halos ilang gabi ko na rin ginagawa ito, but still walang nangyayari." Sabi ko

Naupo ang lalaki sa harapan, ginaya niya ang pagkakaupo ko. Nakangiti siyang nakatingin sa akin na ako naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Alam mo makaktulong ako, just say it, you need my help."

"Ano naman maitutulong mo?"

"Marami ofcourse. Hindi naman ako baguhan."

Tinitigan ko siya na para bang sinusuri ko, pero ang totoo, naiinis ako sa sarili ko. Palagi siyang nag o-offer ng tulong pero palagi ko naman tinatangihan.

"Hindi ako masama, if may masama akong plano or gustong gawin sa'yo sana nun unang beses pa lang kita nakita, ginawa ko na."

Mukhang okay naman siya, mabait naman. Hindi lang talaga siguro ako handa magtiwala sa mga taong hindi ko pa lubos na kilala. Lalo pa ngayon na gusto akong patayin ni Baragor, at may nakaambang pagsubok mula kay Brean.

"Sino ka ba talaga? Bakit palagi mo ako pinapanood? Bakit palagi ka nag o-offer ng tulong kahit pa ilang beses na kitang tinanggihan?"

"Masyado kang curious sa akin, ang dami mong tanong." Sabi nito

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon