Castor POV
Wala ang Old Elf ng umagang iyon, hindi namin alam kung may pinuntahan ba ito na importante dahil bago sumikat ang araw ay gising na ako, nakatambay sa puno malapit sa terrace ng bahay at hindi ko naman napansin ang pag alis niya. Magandang pagmasdan ang pagsikat at paglubog ng araw.
"Castor, tara sabayan mo ako mag breakfast!" sigaw ni Oceane
Tumalon ako mula sa puno at nakatayong bumagsak ako sa harapan ni Oceane. Wala naman nagbago sa kanya matapos ang encounter niya sa Dark Lord kagabi.
Sabay kaming naglakad patungo sa kusina. Bahagya pa akong nagulat ng mapansin na masarap ang agahan namin ngayon. Napatingin ako sa kanya.
"Hindi ako ang nagluto niyan." Sabi ni Oceane
"Wala naman akong sinabi na ikaw." Sabi ko naman
Ngumiti lang si Oceane saka naupo sa tapat ko. Tahimik siyang kumuha ng pagkain at iniligay sa plato, ako naman ay mainit na tsaa lang ang gusto.
"Nakausap ka na ba ni Old Elf?" tanong ko
"Hindi pa kami nagkikita ni lolo, bakit?"
"May mga sinabi kasi siya sa akin."
"Tungkol sa saan?"
"Tungkol sa Dark Auras na meron na tayo."
Napatingin sa akin si Oceane. Dahil sa reaksyon niyang iyon, siguradong hindi pa nga niya alam ang tungkol sa Dark Auras, kaya naman ako na ang nagpaliwanag sa kanya katulad ng sinabi ni Old Elf.
"So kailangan natin lumayo sa isa't isa sa tuwing.."
Tumango ako. "For our safety."
Huminga ng malalim si Oceane. Saglit na hinigop ang tasa ng tsaa.
"Wala ba tayong magagawa tungkol dyan?"
Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?"
"Ang sabi ni lolo, ang aura kahit anong kulay, kung ano ang gusto ng nagmamay ari dito, mabuti man o masama iyon ang kanilang susundin."
"Oo."
"Meaning, kahit may Dark Auras tayo, if we want to do good iyon ang gagawin ng mga auras natin." Sabi niya
"May punto ka, kaso ang iniisip ko lang.." sabi ko
Nakatitig siya sa akin. Medyo nailang tuloy ako sa tumitingin sa mga mata niya.
"Iniisip ko lang na dalawang aura ang meron tayo, paano natin mapapasunod ang dalawang iyon na hindi sila magtatalo sa loob ng katawan natin." Sabi ko
Natahimik si Oceane. Mukhang hindi niya naisip ang isa pang aura na meron kami, ang kulay purple na aura niya at kulay green naman sa akin.
"Hindi ko naisip yan." Sabi ni Oceane
Tumahimik naman ako. Katulad niya nag iisip din ako ng paraan para hindi na muling magamit pa ng Dark Lord para patayin namin ni Oceane ang isa't isa.
Zaiden POV
Unang araw na ng klase, maagang kaming pumasok ni Gaeia. Hindi dahil sa ayaw kong ma late, kundi dahil ayaw kong magtagal pa sa bahay. Stressful sa bahay, wala kaming ginawa ni Dad kundi magtalo sa tuwing magkikita kami. Inihatid ko muna sa labas ng dorm nila si Gaeia. Magkaiba kami ng section, kaya naman kinailangan ko pa ituro sa kanya ang building nila.
"Ayos ka na dito?" tanong ko
"Thanks Zaiden, see you soon." Sabi niya
Ngumiti lang ako. Siya naman ay tumalikod na at pumasok na sa dorm nila. Ako naman ay naglakad na pabalik sa section ko.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of Darkness
FantasyLumabas na ang nagtatagong kapangyarihan ng Infinity, ngunit katulad ng inaasahan kailangan niya ng gabay para makontrol ang kapangyarihan na ito. Ano ang magiging role ng Knight of Darkness sa Infinity? Paano na si Zaiden Alfiro kung matutupad ang...