Castor
Parang bigla akong nakawala sa isang pagkakakulong. Napatingin ako sa malaking lobo na noon ay nakabaon ang aking isang kamao sa loob ng katawan nito. Agad kong binitiwan ang malaking lobo at tumakbo papalapit kay Oceane ngunit naramdaman ko ang malakas ngunit limitadong tibok ng puso ko. Bumagsak ako sa lupa habang hawak ko ang aking dibdib.
'Mamamatay na ba siya? At gayundin ako?'
"Ugh!"
Nalasahan ko ang dugo mula sa aking bibig. Muli akong napalingon sa kinaroroonan nina Zaiden at Oceane ng marinig ko ang malakas niyang sigaw.
"Aahhhhhhhhh, Oceane!" narinig kong sigaw ni Zaiden.
Ang puso ko, halos hindi ko alam kung tumitibok pa ito. Tuluyan na akong nanghina ngunit buhay pa ako dahil siguro hindi naman ako tao lang. Hindi kailangan ng isang bampira ang puso kaya siguro kahit alam kong tumigil na ang tibok ng puso ko buhay pa rin ako. Napapikit ako na para bang katapusan na rin ng buhay ko habang ang huling hininga ko bilang tao ay wala na.
Zaiden
Nagulat ako ng bigla akong tumilapon palayo sa katawan ni Oceane. Halos mawalan ako ng malay ng tumama na naman ang likod sa isang puno.
"O-oceane..." abot hininga kong sabi habang napansin ko lumutang ang katawan niya. Itim na aura ang nakapabalibot sa kanya. naguluhan ako, bakit itim na aura? Anong nangyari? Maliba ang nagawa ko?
Itim na usok ang humawak sa mukha ko para matingnan ko si Oceane ng maayos. Iba na ang kulay ng kanyang mata. Matapang, mukhang walang awa at nakakatakot. Ilang sandali pa ay lumutang ang katawan ko. Napayukom ako ng aking kamao dahil nararamdaman ko ang pagpasok ng itim na usok sa sugat ko. Kung kokontrolin niya ako katula dng ginawa niya kay Castor hindi ako papayag. Mabuti pang mamatay ako kesa maging masamang nilalang katulad ng dark lord.
Ngunit nagulat na naman ako ng makita ko bigla sa harapan ko si Castor. Noong una ay natakot ako sa kanya sa pag aakalang siya pa rin ang Castor na siyang kumagat kay Oceane ngunit nagulat ako ng saluhin niya ang kapangyarihan ng itim na aura.
"Tulungan mo si Nazar, pakiusap..." halos bulong ni Castor sa akin pagkatapos ay binitawan niya ako dahilan para bumagsak ako sa lupa.
Castor
Sumasanib ang itim na aura sa katawan ko sa kapangyarihan ni Oceane. Humarap ako sa kanya ngunit ang kasiyahan na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya ay wala na ngayon. Bagaman katawan iyon ng babaeng mahal ko ibang tao naman ito. Teka tao pa nga ba siya? O halimaw na katulad ng kanyang lolo?
"My knight..." malamig ang kanyang tinig. "It's time to get revenge. Ilang beses na tayong pinatay ng mga taong iyan. Hindi lang isa, hindi lang dalawa. Ngayon na nakabalik na tayo nais kong mabuhay na ng tuluyan."
Parang umaapoy ang buong katawan ko ng sandaling iyon. Nararamdaman ko ang bawat pagdaloy ng dugo ko gayong wala na akong heartbeat. Ang init na iyon, nararamdaman ko na naman siya. Ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko kanina bago ko inatake si Oceane. May kumokontrol sa aking katawan. Nagtama ang aming paningin at naramdaman ko ang kakaibang lakas mula sa aking mga kamay at patuloy itong gumagapang sa aking katawan.
Nasulyapan ko naman si Zaiden Alfiro. Tinulungan niya si Nazar. 'Masaya akong makita kang buhay, Nazar.' hindi ko napigilan na tumulo ang aking luha. Muli akong humarap kay Oceane may liwanag akong nakikita sa dibdib niya. May pag asa pa. Napalingon ako sa apat na guardian na noon ay patuloy sa kanilang ritwal at si Levi, duguan na siya katulad ng iba. Hindi maaring mamatay si Levi hangga't hindi niya naisasalin kay Oceane ang kanyang kapangyarihan.
Ang dark lord. Patuloy siya sa pag gambala sa ritwal na ginagawa ng mga guardian. Muli kong ibinalika ng tingin kay Oceane at nagulat ako dahil sobrang lapit na niya sa akin. Hinahaplos ng itim na aura ang aking mukha.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of Darkness
FantasyLumabas na ang nagtatagong kapangyarihan ng Infinity, ngunit katulad ng inaasahan kailangan niya ng gabay para makontrol ang kapangyarihan na ito. Ano ang magiging role ng Knight of Darkness sa Infinity? Paano na si Zaiden Alfiro kung matutupad ang...