Friendly Guardian

292 12 1
                                    

Calin POV

Sa gubat kung saan kami madalas tumambay ng Spirit Guardian of Earth nakita namin ang kapatid ni Dhara na si Brean, ang Spirit Guardian of Fire. Nakatayo lang ito sa gitna ng gubat, sa tingin ko ay walan naman siyang kausap o ginagawa.

Agad na nilapitan namin ni Dhara ang kanyang kapatid.

"Brean.." bati ni Dhara

Huminto kami ni Dhara mga 10 metro ang layo kay Brean, hindi ko alam kung bakit. Lumingon naman ang lalaki sa amin.

"Dhara, kapatid. Kamusta ka?" tanong nito

Ngumiti naman si Dhara. "Mabuti, katulad mo."

Naglakad papalapit sa amin si Brean habang nakatingin sa akin. Ako naman ay naiilang sa kanya. Kakaiba siyang tumingin di katulad ni Dhara.

"Ikaw si Calin, hindi ba?" tanong ni Brean

Tumango lang ako bilang pag sagot sa kanyang tanong.

"Anong ginagawa mo dito sa gubat?" tanong ni Dhara

Muling binalingan ni Brean ang kapatid.

"Totoo ang sinabi mo tungkol sa babaeng itinakda." Sabi ni Brean. Ni hindi nito sinagot ang tanong ni Dhara.

"Talaga?" sabi naman ni Dhara

"Mangmang." Sabi ni Brean

"Hindi siya mangmang, Brean. Inosente siya." Sabi naman ni Dhara

"Hindi ba't magkapareho lang iyon?" sabi naman ni Brean

"Sa tingin ko ay hindi." Sabi naman ni Dhara

"Ayan ka naman Dhara, ipinipilit mo ang iyong alam." Sabi ni Brean

Pareho silang mahinahon magsalita, ngunit parakiramdam ko ay mag aaway na sila.

"Naisipan mo bang magpakilala sa kanya para lamang takutin siya?" tanong ni Dhara

"At bakit ko naman gagawin iyon?" tanong ni Brean

Hindi sumagot si Dhara. Napatingin si Dhara sa akin, nakangiti.

"Ikaw, Calin. Ano sa palagay mo ang intension ni Brean sa itinakda?"

"H-ha?!"

Hindi ko alam ang isasagot ako. On the spot akong tinanong nin Dhara.

"H-hindi ko rin po alam." Sabi ko na lang

"Ah Dhara, tigilan mo nga ako. Gusto ko lamang makilala ang babaeng iyon." Sabi pa ni Brean. "Hindi ako baduy katulad ng style mo, Dhara. Straight to the point ako, at natuwa ako sa kanyang naging reaksyon."

"Tinakot mo siya sa unang beses kang nagpakilala."

"Dahil iyon talaga ang aking plano."

"Ang dalawa pa nating kapatid? Ano naman kaya ang plano nila?"

"Hindi ko alam, at hindi ko na aalamin pa." sabi ni Brean "Ikaw kailan ka magpapakilala sa itinakda?"

"Pag kailangan na niya ako." Sabi lang ni Dhara

"Sinasabi ko sa'yo, kapatid ko. Huwag na huwag kang makikialam sa aking plano sa babaeng iyon."

"Depende na iyon sa kung ano ang gagawin mo." Sabi naman ni Dhara

"Tigilan mo ako, Dhara. Ang pagsubok ko ay para lamang sa kanya. Walang makikialam na kahit sino."

Ngumiti lang si Dhara at hindi na nagsalita pa. Ngunit sa tingin ko ay hindi niya susundin ang sinabi ni Brean.

"Hindi mo siya susundin tama?"

Napatingin sa akin si Dhara, pabalik na kami sa dorm namin at naglalakad na kami sa hallway. Konti na rin ang estudyante sa makikita sa labas ng dorm at sa may fountain. Malapit na rin kasi ang tag lamig kaya naman masarap tumambay sa bench dahil bukod sa sariwa at malamig ang hangin, mabango rin ito.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon