First

469 24 6
                                    

Zaiden POV

Hindi ako lumalabas ng silid ko simula nun dumating kaninang umaga si Gaeia. Hindi dahil sa hindi ko siya gusto, kababata ko siya, magkaibigan kami. Nakaupo lang ako sa kama habang nakasandal sa headboard nito. Binabasa ko ang Wizard Times newspaper na binigay ni Seven kanina.

Doon ko nabasa na hindi na pala active sa Magicae Ministerium si Miranda katulad ng dati at walang nakakaalam kung bakit ito nangyari. May grupo ng mga wizards na umatake naman sa Night Market nun nakaraang gabi, nangulo ang mga ito sa mga store na naroroon.

Napabuntong hininga ako, wala man lang balita na magbibigay ng idea sa akin kung saan ko makikita si Oceane. Ilang araw pa bago ang pasukan, matagal pa iyon at hindi na ako makapaghintay pa.

Napalingon ako sa may pintuan ng bigla itong bumukas. Isinara ko ang pintuan, sinigurado ko na walang ibang makakapasok.

"Den, what are you doing here?" tanong ni Gaeia

Hawak nito ang wand niya. "Ikaw anong ginagawa mo dito? I told you ayoko na papasok ka dito sa room ko."

"Don't be so childish Den.."

Mabilis siyang naupo sa tabi ko saka yumakap sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya saka tinabig palayo. Lumayo ako sa kanya. Lumapit ako sa may bintana.

"Gaeia, stop doing that. Baka makita tayo ni..."

"What's wrong with that?!" tanong niya. "Ginagawa ko na naman talaga na yumakap sayo dati pa diba?"

"Iba yun dati, iba na ngayon." Sabi ko naman

"What is the difference? We're still friends right?" sabi ni Gaeia

Tumayo siya sa kama at nilapitan ako.

"Atsaka yakap lang yon, anong masama don? Hindi ba we kissed before..." sabi ulit niya

Si Gaeia ang first kissed ko. Siya rin ang first crush ko at naging first love ko. Palagi siyang nandito sa bahay nun mga bata pa kami. After mamatay ng parents niya dahil sa ambush na ginawa ng mga Dark Wizards, halos 5 years kaming magkasama. Magkatabi kaming natutulog at sabay naliligo.

"May iba ka na bang gusto Den?" tanong niya

"Yeah meron." Simpleng sabi ko

Bahagya siyang nagulat, pagkatapos ay ngumiti. Naupo siya sa tabi ko saka bumulong sa tenga ko.

"So hindi ka na attracted sa akin?" bulong niya

Lumayo ako ng bahagya sa kanya. Tumawa naman si Gaeia.

"Bakit ka ba lumalayo?"

"Dahil lumalapit ka."

"Nagbago ka na talaga Zaiden Alfiro. Kaya kahit si Uncle Val, nagtataka na sayo eh.."

"Wala siyang karapatan magtaka dahil siya ang dahilan kaya ganito ako ngayon." Sabi ko naman

"What?!" tanong ni Gaeia

"Bakit ka nandito? Bakit bumalik ka dito? Inutusan ka ba ni Dad? May plano ba kayo?" tanong ko

"What's in you? Walang plano ang Dad mo, gusto lang niya na bumalik ka sa dati. And I'm here to help you." Sabi naman ni Gaeia

Tinitigan ko siya, sinusuri ko kung nagsasabi siya ng totoo. Huminga ako ng malalim. Naupo sa kama ko sabay sinalo ng aking kamay ang ulo ko. Namalayan ko naupo sa tabi ko si Gaeia.

"What's bothering you Den? You can open up with me just like before.." sabi ni Gaeia

Gusto ko man mag open up sa kanya katulad ng dati ngunit hindi pwede. Maaring gamitin siya ni Dad para maslalo kaming mapaghiwalay ni Oceane.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon