Hanna POV
Hindi ko maalis ang aking mga tingin kay Bain, bagaman ilang dekada na kaming magkasama, hindi ko masasabing kilala ko na siya. May mga kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag.
Isa na dito ang pagtitig sa kanya ng isa sa mga Elder nun magpahayag sila ng isang biglaang pagpupulong. Alam kong napansin din ito ni Athena kaya lumipat sila ng upuan.
Anong meron sa'yo? Bakit hindi ako kampante na kasama ka? Pakiramdam ko isa kang.... Traydor....
Napalingon ako kay Athena, nakatitig din siya sa Bain, habang abala ang lalaki sa pag iikot sa paligid.
Alam kaya niya? Magkasabwat kaya sila?
Oceane POV
"Ikaw na naman.." reklamo ko
Katulad nun una kaming magkita ay nabuhusan na naman niya ako ng tubig at asusual, basang basa ako.
"Hindi ko sinasadya.." sabi nito
"So... sinasabi mo ba na... nagkataon lang na nabuhusan ako ng tubig katulad nun una tayong nagkita? Ganoon ba?" inis kong tanong
"Parang ganoon na nga.." sabi nito
Tumaas ang isa kong kilay, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Sinusuri mo ako.." sabi nito na nakangisi pa
"Antipatiko ka kasi... wala sa mukha mo ang pagiging..."
"Sige ituloy mo.." sabi nito
"Walang modo. Hindi ka marunong mag ingat.. alam mong hallway ito, walkway ng mga estudyante at dito ka pa talaga naglalaro ng tubig?" sabi ko
Ngumisi ito saka tumitig sa akin.
"Una humingi ako sayo ng paumanhin, katulad nun una tayong magkita, pangalawa, hindi ako naglalaro ng tubig, kung mapapansin mo, basa ng tubig ang buong Academy, kung hindi mo napansin, lumuha ang kalangitan kagabi...."
Napalingon naman ako sa paligid, mukhang hindi ko namalayan ang malakas na ulan kagabi, napasarap yata ang tulog ko.
"Pangatlo, maingat ako sa aking ginagawa." Patuloy nito
Tumahimik ako, obvious naman na medyo napahiya ako. Isang tiningin muli ang ipinukol ko sa kanya pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad, ilang hakbang pa lang muli siyang nagsalita.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong nito
Muli akong lumingon saka siya hinarap.
"Wala akong panahon makipagtalo sa mga katulad mong..."
"Ano?" tanong nito
Imbes na sagutin siya ay tumalikod na ako saka naglakad papalayo.
Isang kakaibang aura ang naramdaman ko sa paligid, lumingon lingon ako na baka may ibang tao na malapit sa akin.
Kakaibang aura.... Sino ka?.... Saan ka nagtatago?
Wala akong makitang tao sa paligid, nakaramdam ako ng kaba.
May nagmamasid sa akin... may nagmamasid sa akin..
"May hinihintay ka?"
Parang malalaglag ang aking puso ng marinig ko ang boses. Ganoon pa man, isang bolang apoy ang lumabas sa aking palad at muntikan ko ng maihagis ito kay Castor.
"Ginulat mo ako.." sabi ko
Parang hangin na biglang naglaho ang bolang apoy sa aking palad. Si Castor naman ay nakatingin pa rin sa akin.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of Darkness
FantasyLumabas na ang nagtatagong kapangyarihan ng Infinity, ngunit katulad ng inaasahan kailangan niya ng gabay para makontrol ang kapangyarihan na ito. Ano ang magiging role ng Knight of Darkness sa Infinity? Paano na si Zaiden Alfiro kung matutupad ang...