The Lies

1.2K 26 5
                                    

Castor POV

Ilang araw ko ng dinadamdam ito. Ang kakaibang init na dumadaloy sa bawat ugat sa aking katawan. Ang aura na para bang gustong kumawala sa akin.

Ano itong nangyayari sa akin? Ang katawan ko... ang katawan ko...

Nakabaluktot akong nakahiga sa silid na ibinigay sa akin ni Nazar. Bagaman tumanggi ako na sumama sa kanya, ngunit wala akong nagawa para matangihan ito.

Tok Tok
Tok Tok

Nakatingin lang ako sa pintuan ng silid, pinagpapawisan ako ng sobra dahil sa aking nararamdaman na sakit. Mayamaya pa ay unti unti ng bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Nazar.

"Anong nangyayari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Nazar sa akin.

Agad niya akong nilapitan, ngunit pinilit kong maupo ng maayos at tiniis ang sakit na para bang walang nangyari. Ayoko na mag alala pa si Nazar sa akin. Masyado na siyang maraming iniisip ngayon at ayoko na dumagdag pa.

Bahagya akong ngumiti. "Ano naman mangyayari sa akin?"

Tumitig si Nazar sa akin na para bang sinusuri niya ako.

"Handan a ang hapunan Castor, halika na at kumain na tayo." Yaya ni Nazar

"Ganun ba, sige susunod na ako." Sabi ko naman

"Sige. Bilisan mo, ayaw ni Miranda na naghihintay ang pagkain." Sabi pa nito

Ngumiti lang ako. Tumayo na si Nazar sa aking kama saka naglakad papalapit sa pintuan. Lumingon pa ito sa akin bago tuluyang isinara ang pintuan.

Nazar POV

Nakatayo ako sa labas lang ng silid ni Castor. Nag aalala ako sa batang itinuring ko ng anak. Alam kong may dinaramdam ito, sa itsura pa lang nito kanina alam ko na.

"Hindi niya sasabihin sayo Papa, gusto mo bang malaman kung anong nangyayari sa kanya?"

Napalingon ako sa nagsalita. Nakatayo sa kanan ko ang aking anak.

"Alam mo kung anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Nazar

Nakatingin ako sa aking anak, ngunit ang babaeng nakaharap sa ko ay ang bagong babae na kailangan kong kilalanin. Hindi na ito ang anak ko nun una ko siyang makita, nag iba ang ugali nito, mas naging seryoso ito, hindi ngumingiti, ang aura nito ay pilit na kumakawala sa katawan nito. At ang ipinagtataka ko, ay kaya niyang kontrolin ito na para bang sanay na sanay siya.

Hindi sumagot ang aking anak imbes ay iniwan ako nito at naglakad na papalayo. Hinabol ko ng tingin ang aking anak, saka muling sinulyapan ang silid ni Castor.

Flashback..

Hindi ko alam kung paano nagawa ni Castor na lapitan ang aking anak ng hindi man lang nasaktan. Ang namalayan ko na lang ay hawak na niya ang aking anak. Mabilis kong tinalon ang malaking bitak ng lupa na namamagitan sa amin. Agad kong nilapitan si Castor.

"Anong nangyari?" tanong ko

Ngunit parang natutulala rin si Castor, bakas sa mukha niya ang pagtataka, pagkabigla at pag aalala. Agad kong kinuha ang aking anak saka binuhat para makalabas na kami ng kweba. Guguho na iyon anu man oras.

Habang abala kami sa paglayo, hindi naman nagsasalita si Zaiden Alfiro na nasa tabi ko lang at bakas din sa mukha nito ang pag aalala. Mayamaya pa ay naramdaman na naming ang malakas na pagyanig ng lupa. Gumuho na ang kweba.

Napalingon kaming tatlo sa kweba, wala na nga ito.

"Nazar!"

Napalingon na naman kaming tatlo. Nasa harapan namin si Valkoor, siya lang mag isa.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon