Oceane
"It's time, Oceane..."
Napatingin ako sa ibaba kung saan naroon ang apat na guardian. Muling siyang napalingon kay Levi.
"Once na maisalin ko sayo ang kapangyarihan ko, kailangan na namin umalis."
"What?" gulat na tanong ko. "What do you mean?"
"Simulan na natin..." sabi ni Levi.
Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta. Magsisimula na kami ngunit wala naman akong ideya kung anong gagawin ko tapos ganito pa ako, isang kaluluwa lang. Anong kaya kong gawin na ganito ako?
Nagulat ako ng nasa harapan ko na si Levi. Umangat ng kusa ang aking kamay at nakapatong ito sa kamay ni Levi. Nagsimulang lumamig ang paligid, sumunod naman ay bigla naman uminit at ilang sandali pa ay magkahalo na ang init at lamig na gumawa ng spark ng maliliit na boltahe ng kuryente.
Narrator
Nakahiga ang dark lord sa lupa habang palalim ng palalim ang hukay na nagagawa ng pinagsama nilang kapangyarihan. Nakaupo sa ibabaw ng dark lord ang dark sorcerer at ang isang kamay ng bawat isa ay nakasakal sa mga leeg bawat isa. Nagpatuloy sa paglalaban ang kanilang mga kapangyarihan.
Ilang sandali pa ay unti unti ng bumabaon ang kuko ng dark lord sa leeg ng dark sorcerer ngunit hindi iyon ininda ng babae imbes ay ngumiti pa ito kanya.
"Ang isang mahina at baguhang sorcerer kailanman ay hindi maaring magwagi sa pinakamalakas na sorcerer noon, ngayon at magpakailan man."
"Argh!" mahaba ang kuko ng dark lord, masmatalas iyon kumpara sa iba ngunit hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi niya magawang masugatan man lang ang sorcerer na kaharap niya.
Isa na lang ang natitirang pag asa ng dark lord ang kanyang huling alas. Binitiwan niya ang leeg nito at masnaramdaman niya ang pagbaon ng kuko nito sa lalamunan niya. Itinapat niya ang kanyang palad sa dibdib ng babae. Napansin naman ng dark sorcerer ang ginawa ng dark lord ngunit imbes na kabahan ay pinagtawanan siya nito.
"Afinid syldra avenid cohes..."
"Ako ang gumawa ng spell na yan at palno mong gamitin sa akin? Isa ka ngang baliw." tumatawag sabi ng dakr sorcerer.
"Afinid syldra avenid cohes des sarin abituar...."
Kumunot ang noo ng dark sorcerer ng mapansin na unti unting nabibitak at nagkakaroon ng lamat ang kapangyarihan niya na siyang pumoprotekta sa kanya sa mga atake.
"Ah!" nararamdaman na ng dark sorcerer ang unti unting pag hiwalay niya sa katawan ng babaeng ilang daang taon din niyang tinirahan at pinotektahan. "Hindi ito maari..."
"Ako ang dark lord. Ako ang pinakamalakas sa lahat!"
Lumiwanag ang kamay ng dark lord at tuluyang humiwalay ang espirito ng dark sorcerer sa katawan ni Oceane. Unti unti naman nagkaroon ng lamat ang kanyang espirito hanggang sa nabasag ito ng tuluyan.
Oceane
"Aahhhh!"
Malakas na kapangyarihan ang pumapasok sa kanyang espiritong katawan. Nararamdaman niya ang malakas na hangin na pumapaikot sa kanyang katawan habang ang tatlong elemento ay lumalabas mula doon. Mapapansin ang pagsasamasama ng mga ito.
"Ito na ang laban mo, Infinity. Huwag mo kaming bibiguin."
Unti unting naglaho si Levi. Napalingon ako sa paligid pagkatapos ay napatingin ako sa ibaba. Nakita ko ang aking katawan na nakahiga sa damuhan habang naglalaban ang dalawang sorcerer. Mabilis ako na lumipad pababa para puntahan ang aking katawan. Kailangan niyang makapasok doon bago siya maunahan ng lahat. Nang makita ko na may mga itim na bagay na lumilipad sa paligid ng katawan ko ay agad kong itinapat ang aking kamay sa aking katawan. Nagulat ako ng tumaas din ang isang kamay ng aking katawan at ginagaya ang ginagawa ng aking kamay.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book 5: The Knight of Darkness
FantasyLumabas na ang nagtatagong kapangyarihan ng Infinity, ngunit katulad ng inaasahan kailangan niya ng gabay para makontrol ang kapangyarihan na ito. Ano ang magiging role ng Knight of Darkness sa Infinity? Paano na si Zaiden Alfiro kung matutupad ang...