Chapter seventeen

240 8 4
                                    

Sorry for the slow update. Its been rough. Anyway, enjoy this!

-----

Kabanata 17

Little things

*Click*

*Click*

Naka upo kami sa labas ng office. May hawak na mga bato si Javy. Binabato niya ito sa pader na sinasandalan ni Gilbert. May kaniya-kaniya silang ginagawa. Ako lang ata ang mukhang kabado.

Is this natural for them? Totoo kayang naka three strikes na si Xenneth? Mukhang mga trouble makers ang grupo nila. Ayoko siyang masuspended ng dahil sa akin.

"He will be okay Grey..." niyakap ni Almira ang braso ko. "Wag ka maniwala dun sa mga bobita na iyon." ngumiti siya.

Ngumiti ako pabalik at tumingin sa pintuan na may pangalan ng aming Prefect. Hindi mo kita ang nangyayari sa likuran ng pintuan.

"Epal kasi talaga yang sila Lauren eh." naka busangot ang mukha ni Josh. Halatang asar siya sa kanila.

"We are talking about Xenneth. Okay lang yan!" preskong sinabi ni Jaymie habang patuloy sa pag bato.

Maya-maya ay may biglang sumulpot na babae. Hinihingal siya. Medyo magulo ang buhok niya at pawisan ng kaunti. Naka PE uniform pa ito. Nung una hindi ko siya nakilala dahil naka taas ang bangs niya at wala siyang suot na salamin. Pero ng matitigan ko siyang mabuti, dun ko na siya namukhaan.

"Carley?"

Lahat sila ay lumingon sa babaeng naka tayo sa harapan ng pintuan. Para pa siyang nagulat. Para bang hindi niya kami napansin dun. Mukha siyang problemado.

"Oh..H-hey.." mahiyain siyang kumaway sa amin. "I,uhm, didn't see you guys there. S-sorry..."

"Okay lang." sagot ni Josh sabay tayo at pinagpag ang pantalon, "Bakit ka napadaan dito?"

"M-may kukunin lang ako sa office..." nahihiya niyang sagot.

"Eh bakit ka nag mamadali?" dagdag na tanung nila.

Bakit ba nila kinukulit itong si Carley. Dapat pabayaan na lang nila. Mukhang madaling mag panic lalu na pag iniinterogate.

"Uhmm..." hindi siya maka sagot. Yumuko lang siya.

"Baka naman pinapunta ka na naman ni Lauren?!" medyo iritable si Josh na nag tanung. "We all know na under ka dun. Baka nag papacheck na naman siya."

"Hindi ah!" mabilis siyang umiling. "May kukunin lang talaga ako. Naiwan ko kasi kahapon yung books ko sa auditorium, sabi nila nandito daw." naka tingin siyang diretso kila Jaymie.

"Pero alam mong nandito si Xenneth? " tanung naman ni Almira.

Anu ba meron? Bakit sila ganito sa kaniya? Mayroon ba akong hindi nakikita?

"Carley,please, just stop okay?" umiiling na sinabi ni Almira. Nag pabalik-balik ang tingin ko sa kanila.

Yumuko lang si Carley at tumango ng mabilis tsaka tumakbo paalis. Medyo naiyak pa siya. Kumunot naman ang noo ko. What just happened? Bakit parang may pinaghuhugutan sila?

"Tsk. Until now she never learn..." umiiling na sinabi ni Benson.

"Teka. Teka!!" tumayo na ako sa gitna nila. Nagulat si Almira dahil naka yakap siya sa braso ko. Muntik pa siyang bumagsak. "Anu ba nangyayari? Hindi ako maka connect..."

Parating NapapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon