Chapter seven

384 15 1
                                    

Kabanata 7

Buwan ng wika

"Aaayyy!!!"

"Waaaaaaah!!"

"What the hell?!"

"That's a foul!!

Iba't-ibang sigaw ang maririnig niyong umaalingawngaw sa loob ng gym. Grabe kasing mambato yung mga lalaki. Hindi ba nila nakikita na mga babae kami?! Kung makapag laro sila ay akala ata nila mga ka-uri nila kami.

Natanggal na ang ilan sa amin. Halos anim na lang kami sa gitna. Nung una akala ko aarte arte pa ang mga kaklase ko, pero napag tanto nila na walang mapupuntahan ang pag iinarte nila, nag sakripisyo na lang sila at mga nag si ilag. Yung mga babaeng walang ibang hinawakan kungdi make-up ay ngayong nag papaypay na sa gilid. Basang-basa kami ng pawis.

Si Almira naman ay tuwang-tuwa. Sinisigawan nga siyang 'weirdo' nung mga babaeng natanggal. Naisip ko na baka nag lalaro siya ng ganito kaya sanay na siya. Masyado lang talagang judgemental ang mga lokong ito.

"Grazielle!! Ilag!!" sigaw ni Almira kaya napa upo ako sa sahig. Nanlaki ang mata ko at tumingin sa nambato. Anak ng tupa!!! Kay Xenneth nang galing ang bola.

Kung tinamaan ako nun sa mukha, paniguradong dugo ilong ko. Ramdam ko ang bilis nung bola. Buti na lang talaga at naka ilag ako. Halos ilang segundo lang ang bilis. Papatayin talaga ako nito eh. May iba namang babae sa gitna pero lahat ng tira niya sa akin lang. Ako lang ang pinapansin niya. Payat na nga ako, mukhang lalu pa atang papayat. Natutuwa pa siya. Napaka sadista talaga nitong wirdo na ito.

Nag patuloy ang laro ng mga ilang minuto pa. Dalawa na lang ang natira, at believe it or not, ako iyon at si Almira. Sa tingin ko nga may nangyayari na kadayaan dito.

Napa hawak ako sa aking tuhod. "Hi-Hindi ko n-na k-kaya..." nag hahabol ako ng hininga. Si Almira ay napaka hyper pa rin.

Nagulat ako ng biglang may bumato kay Almira at tinamaan siya. Mahina lang iyon kaya sa tingin ko ay isa sa tropa niya ang nag bato. At ibig sabihin nun ay ako na lang ang natitira.

Naka ngisi ang mga lalaki kong kaklase. Parang may binabalak na masama. Napa tayo ako ng diretso at umatras. Amg dami nila. Mag-isa lang ako.

"Mam!! This is unfair." sabi ko sa teacher namin na kanina pa kain ng kain.

Umirap siya at tumayo. "Okay. Isang lalaki lang ang mag babato." sabi ni mam.

Lahat sila ay nag taas ng kamay. Mga sadista amput@!!

"Bahala kayo." sabi ni mam sa kanila. Nag talo tuloy silang lahat. Umupo muna ako sa sahig. Sana manalo yung pinaka payat na lalaki para hindi ako mahirapan.

"She's mine..." yun ang narinig naming boses sa buong gym. Bigla kasing tumahimik ang mga lalaki. Nalaglag ang panga ng mga kaklase kong babae.

Nag lakad sa gitna si Xenneth. Dalawang kamay niya ay may hawak na bola. Malaki ang ngisi sa kaniyang mukha. Umirap at tumayo na.

"OMG! Ang swerte..." sigaw nila.

Seriously?! Anu bang klaseng mga tao ito. May mga nag eenjoy pag may nakikita silang na sasaktan at mayroon naman nag eenjoy pag nasasaktan. Anu ba itong pinasok ko. At hindi ko naman maintindihan itong si Xenneth. Sa dinamidami ng mga babae dito, ako pa talaga ang ginaganito niya.

Kahit sino dyan halos lumuhod na sa harapan niya para lang mapansin niya. Tapos kung sino pa yung may ayaw sa kaniya, yun pa ang pahihirapan. Kung gusto niya ng pagkain, madali siyang makakakuha dyan sa vendo machine, pero mas pinili niyang lumabas pa at pumila sa mahabang linya.

Parating NapapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon