KQs! I am so sorry for the last chapter. Hindi kumpleto ang na update. So please kindly go back and read it again. Promise kumpleto na iyon. And again, I'm sorry.
Basta ang last paragraph ay may salitang 'Pansinin'
----
Kabanata 3
Cinderella
My first weekend after class. Walang assignment. Walang project. This is my first sweet weekend after class.
Kaso, abot sa langit ang sermon na nakuha ko mula kila mommy at daddy. Diretso akong umakyat sa kwarto pagka uwi ko galing sa school para hindi nila mahalata na wala akong isang sapatos. Pero saktong pag sara ko nung pintuan ko, biglang katok si Daddy. Agad kong tinapon sa gilid ng kama ang sapatos ko.
"Hi Daddy!! " sabi ko pagka bukas ng pintuan. Naka nguso siya sa akin.
"Bakit mo ko iniwasan?" pumasok siya.
Sa sobrang pag mamadali ko, hindi ko siya napansin sa sala. Pag wala kasi siyang trabaho, nasa bahay lang siya.
"Uhh, pagod kasi ako dad. Gusto ko muna mag pahinga." i lied. Pero nonsense din dahil hindi naman siya nakikinig. Gumagala ang mga mata niya sa loob ng kwarto ko. Masyadong observant ito.
"Nasaan ang isang sapatos mo?!" tanung niya sa akin.
How did he even know that?! Wala naman akong sinabi.
"You never remove your shoes inside your room." sabi niya na para bang sinagot ang tanung ko.
"I have no idea..." sabi ko sa kaniya. Umikot lang ang mata niya at bigla akong tinabig. Para ko lang itong kaibigan.
Dumiretso siya sa gilid ng kama ko at pinulot ang sapatos ko. Iniangat niya ito at pinakita sa akin. Napakagat na lang ako sa labi ko.
Pagkatapos nun ay sinumbong niya ako sa kay mommy. Kung anu-ano ang sinabi nila.
"Pang ilang beses na iyang nangyari sa'yo." sabi ni mommy sa akin.
"Pangatlo lang naman po ito." sagot ko sa kanila.
Isang beses kasing nangyari sa akin ay nung umattend ako sa isang summer program. Yung mga cabin mate ko ay binully ako. Tinatakot nila ako. Tapos yung huling gabi namin, tinago nila ang sapatos ko. Halos maiwan ako ng bus dahil talagang hinanap ko ang sapatos ko. Sa huli, umuwi ako ng isa lang ang suot na sapatos. Sabi pa nila daddy sa akin nun ay ako daw ang may kasalanan dahil hindi ako maaga gumising para hanapin ang sapatos.
Weird din itong magulang ko. Saan pa ba naman ako mag mamana di ba? Pagkatapos nila akong pagalitan, dinala din nila ako sa mall para bumili ng bago.
Wala rin naman ako ginawa ng weekend. Natulog ako at nag basa ng 'Diary of a Wimpy kid'. Tulad ni Rodrick doon sa storya, puro tulog lang ang ginawa ko. Busy si daddy sa office niya tapos si mommy ay napatawag. Humilata lang ako.
And now, its monday, again. Tamad akong pumasok sa school. Naka kaway kaagad si Almira sa akin pagka pasok ko. Malaki ang ngiti niya. Binigyan ko siya ng mahigpit na ngiti at umupo sa tabi niya.
"Hi! Good morning." bati niya sa akin. Dinikit niya ang upuan niya sa akin.
"Hey..." bati ko sabay labas ng notebook ko.
"Kamusta weekend mo?" pinatong niya ang baba niya sa ibabaw ng kamay niya.
"Uhhhm. It was okay..." sagot ko sa kaniya. Napansin ko na nag iba ang kulay ng buhok niya. Nag karoon ng kaunting brown highlights ito, pero bagay pa din.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...