Kabanata 22
Remember
Nakatingin ako sa labas ng bintana. Tulala. Paulit-ulit ang pag buntong hininga. Hindi ko alam kung anu ang aabutan ko doon. May nag bago kaya? Kung mayroon, anu kaya iyon? Is it a good thing? O baka naman walang nag bago. Having no communications with my friends were the worst.
Kinuha ko sa ilalim ng upuan ang aking bag. Hindi ako masyado gumalaw at ayoko maistorbo ang katabi ko. Mahirap na pag nagising ito. Baka masermonan ako.
Dahan-dahan ko itong binuksan. Bumungad sa akin ang passport ko. Ang wallet at iba pang mga gamit. Nasa pinaka ilalim ang bagay na hinanap ko. Akala ko pa nga nung una, naiwan ko sa bahay. Mag tatantantrum talaga ako pag hindi ko yun nadala.
Binuklat ko ang journal ko. Kulay itim ang cover nito. At gawa sa leather. Medyo hardbound ang pakiramdam. Kaso mukhang luma ang harap dahil nasagasaan siya isang beses. Ilang pages ang nag daan bago ako napunta sa isang litrato na ngayon ko lang ulit nakita. Ito ang huling pagkikita namin. Habang naka tingin ako sa litrato, bumalik sa akin ang mga nangyari.
**
Medyo napangaga ako sa sinabi ni Carley. Para kasi siyang isang excited na bata. Yun bang dahil nakita niyang pinauwi na ako ng nanay ko, siya naman ang pumalit sa pwesto ko sa swing. May ilang minuto ng katahimikan. Dahan-dahan inilagay ni Xenneth ang kamay niya sa likod ko.
"Uhmm. Its not that.." umpisang paliwanag ni Xenneth. Nalipat sa kaniya ang tingin ni Carley. Napawi ang excited niyang ekspresyon. Ngayon, para na siyang iiyak. "Ang ibig kong sabihin kanina ay, I'm not just her boyfriend, I'm also her protector." maayos na paliwanag ni Xenneth.
Ilang segundo siyang nakatulala sa amin. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin niya. Patagong hinawakan ni Xenneth ang kamay ko at pinisil niya ito.
"We should probably go..." mahina niyang bulong sa akin. Nakatingin pa rin ako kay Carley. Nakatayo pa rin siya sa harapan namin. "Sige Carley, mauna na kami. Ayokong malate." naka ngiti niyang sinabi.
Tumayo naman ako at mabilis na nag lakad palabas ng canteen. Nawala sa isip ko na hawak pa pala ni Xenneth ang kamay ko.
"Dahan-dahan naman. Wag mo akong kaladkarin." Natatawa niyang sinabi.
Napailing na lang ako. Hinahabol ko ang aking hininga. "I'm sorry. Nag panic ako. I'm not--" nilagay ko ang kamay ko sa aking noo. "I'm not good at confrontation. " hinihingal kong salita.
Binitawan niya ang kamay ko at sabay yakap sa akin. Hinahaplos niya ang likuran ko. Mabilis ang tibok ng puso ko. Para akong nag exercise ng isang diretsong oras.
"Breathe in. Breathe out." Turo niya sa akin. Sinasabayan ko siya. Naayos ang pag hinga ko.
"Salamat.." sabi ko sakaniya. Hinalikan niya ang ulo ko at bumitaw na sa pagka yakap sa akin.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...