Chapter twenty-one

115 4 1
                                        


Kabanata 21

Protector

"Welcome home sweetheart!!" bati sa akin ni Mommy. Naka salubong din ang ilan naming kasambahay. Lumuhod sa harapan ko si Mommy at yumakap sa akin. Naka upo ako sa isang wheelchair na tulak-tulak ni Daddy.

"Paki lagay na lang yan sa kwarto niya Kuya..." narining kong pakiusap ni Daddy kay Manong Paeng. Yumakap naman ako pabalik kay Mommy. Mahigpit ang yakap niya. Natagalan bago niya ako bitawan.

Tinulak ako papasok ni Daddy sa dining room. Nakasunod naman sila Mommy sa amin. Bumungad ang isang malaking handaan. I mean, for me, isa itong malaking handaan. May banner pang naka sabit sa ibabaw ng lamesa, sa may pader na may naka lagay na 'Welcome home Grazielle' .

Iba't-ibang putahe ang naka hain sa lamesa. At halos lahat ng ito ay paborito ko. Tinulungan akong maka lipat ni Daddy dun sa upuan at tsaka niya itinabi ang wheelchair.

"Thank you po..." salita ko sa kaniya.

Agad nila akong inasikaso. Napansin ko na sa ibabang kwarto lumabas si Manong Paeng. Sa pagkakatanda ko, sa itaas ang kwarto ko.

"May problem aba iha?" napabalik ang tingin ko kay Daddy. Hindi ko alam kung itatanung ko ba or hihintayin ko na lang siya na siya ang mag sabi sa akin .

Kumain kami ng tahimik. Ramdam ko pa rin kasi ang pagod ko kaya wala akong gana makipag usap. Hinihintay ko din na banggitin nila ang pag lipat ko ng kwarto kaso wala silang sinabi. Patapos na kaming kumain ng tanungin ko sila tungkol dito.

"Inilipat niyo po ba ako ng kwarto?" tanung ko sa kanila. Nagka tinginan silang dalawa at sabay na tumango. "Bakit po?" tanung ko ulit.

"Sabi kasi ng doctor mo, hindi ka pwedeng mapagod. At dapat simula ngayon, malapit ka na sa amin dahil anytime ---" napigilan si Mommy sa paliwanag niya dahil hinawakan ni Daddy ng mahigpit ang kaniyang kamay.

Kumunot ang nook o at tiningnan silang dalawa ng mabuti. May tinatago ba sila sa akin? Nag bigay ng malungkot na ngiti si Daddy kay Mommy at tumingin sa akin.

"I know this is going to be hard for you baby, pero matindi ang sakit mo. Gusto lang ng doctor mo na maging ligtas ka. He told us that you may have your breakdown anytime. So we decided na itabi ka mas malapit sa amin." Paliwanag ni Daddy.

"But we don't have an extra room down here. Saan po ang kwarto ko?" mabilis kong sagot sa kanila.

"In the past days, mabilis kaming nag pagawa ng extra room. Pinaliit na lang naming ang backyard natin para magkaroon ka ng room. You even have your own door papunta sa garden. Just don't forget to lock it every night..." kumindat si Daddy sa huling part.

Dumiretso na ako sa kwarto pagkakain ko. Naligo ako saglit dahil amoy hospital ako. Binuksan ko ang ilaw ng buong kwarto at napangiti ako. Gayang-gaya nito ang kwarto ko sa itaas. Nakuha nila ang kulay ng pader. Ang ayos ng mga gamit ay ganoon pa din. Medyo lumiit nga lang pero okay pa rin. Nakita ko sa gilid ang pintuan papunta sa garden.

Binuksan ko ang kurtinang naka takip ditto at lumabas. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Mapresko talaga ang lugar pag napapaligiran ka ng mga halaman. Nag lakad ako papunta sa may duyan na malapit sa swimming pool. Niyakap ko ang sarili ko at inisip kung handa na ba akong harapin ang lahat bukas. Handa na ba akong harapin siya bukas.

Pinayagan pa rin nila akong pumasok sa school pero magbibigay sila ng sulat na hindi ako pwede sumali sa mga activities na mag rerequire ng physical strength. Hindi ko alam kung may ideya ang mga kaklase ko kung bakit ako nawala ng isang lingo. Pero siguro sinabi na niya iyon. Magugulat pa ako pag nalaman kong hindi niya iyon nabanggit.

Parating NapapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon