Chapter nine

418 12 7
                                    

Trailer on the very first page ! Enjoy watching. And my apology for the late update. Wala akong magamit na pang type kaya natagalan. Oh and see the attached photo, yun ang itsura ng damit nila, kay Xenneth yung suot nung matangkad. I hope you will enjoy this J

______

Kabanata 9

Hindi ka niya gusto

 

Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti. Kahit sila mommy ay nag tataka sa kakaiba kong ngiti. Ang sinasabi ko na lang ay excited na ako sa play  namin bukas. Mabilis akong kumain at dumiretso na sa kwarto.

Inopen ko ang instagram at nag punta sa account ni Xenneth. I don’t know why, pero gusto ko makita ang mga post niya. Maybe I want to know him more. Mayroon lang siyang 52 post at halos kalahati dito ay galling sa tumblr. Para akong nasa feed ng isang tumblr boy.

May kuha siya na stolen.  May mmga kuha din siyang kasama ang isang maliit na aso, hindi ko alam kung anung breed pero cute. Sa sobrang pag stalk ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Mga 12am na ako naka tulog. Ang dami ko din natutunan.

His parents are rich. Sila ang nag mamay-ari ng isang sikat na restaurant na kalat ang branches sa buong Pilipinas. May dalawa siyang kapatid, si Danica na isang famous chef at ang panganay sa kanilang tatlo. Si Timothy naman ang sumunod doon at isa siyang architect. Bunso si Xenneth. Kaya siguro medyo spoiled brat.

May kuha siya sa Eiffel tower at ilang magagandang lugar doon sa Paris. Rich kid amputek. Kaloka. Kaya pala talagang todo effort siya sa lahat ng bagay.

Maaga akong ginising ni manang. Nun una nag taka ako pero nung makita ko ang sticky note ko sa may salamin, doon lang ako nag panic. Naligo ako at mabilis na nag bihis papasok sa school. Nag pahatid ako kay Manong at tumakbo diretso sa auditorium. Naroon na ang ibang mag peperform. Buti na lang at may event sa school dahil kung wala, I’m sure late na ako.

Iba’t ibang character ang nakikita ko dito. I’m sure may nahagip na hitler costume ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ganun ang suot nun, baka mamaya follower pala siya.

Hindi ko makita sila Almira. Sabi nila nasa audi lang daw sila. Pero hindi ko naman sila makita.

“Look what the spaceship brought…” napalingon ako sa pinanggalingan nung maarte na boses at nakita sila Lauren na naka suot na Filipina costume. Yung simpleng costume lang.

Tumingin ako sa paligid ko. Wala namang ibang tao, ako lang ang naroon. Ako siguro ang tinutukoy ng bakulaw na ito na dinala ng spaceship.

“Gusto mo ipasundo na kita?” naka ngiti kong tanung sa kaniya. May bulaklak pa siya sa buhok, akala mo kung sinong Rosalinda eh mukha naming sadako.

Tumawa ang mga kasamahan niya ng pasarkastik. Nilagay nila sa bibig nila ang mga kamay nila. Na alala ko si Kris Aguino sa mga tawa nila. O baka naman yun ang ginagaya nila. Sa sobrang arte nilang tumawa ay tinalikuran ko na sila pero agad nila akong hinila para makaharap ulit sa kanila.

Parating NapapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon