Kabanata 18
Deserve
It's been a week since the day he got suspended. Pero sa loob ng linggo na iyon, parang normal na estudyante lang siya.
Nakakapasok pa rin siya sa loob ng school dahil sa mga kaibigan niya. Dun siya sumasakay sa trunk ng sasakyan. Araw-araw ay iba ang suot niyang disguise.
"Mukha kang tanga!" sita ni Almira sa kaniya. Nag tinginan naman kami at nag pigil ng tawa.
Naka suot siya ng malaking puti na jacket at baggy pants. Naka sideways ang kaniyang suot na cap at naka shades pa. Madami rin siyang alahas sa kaniyang katawan. May pink na tshirt siya na panloob sa malaki niyang jacket.
"Kunwari nga new student ako..." sabi niya sabay hila ng isang upuan at itinabi sa akin.
"New student ng Jejemon school!" biniro siya ni Jaymie. Umiling lang si Xenneth.
"Tsaka kung new student ka dito, bakit ka lumalandi kaagad sa isang estudyante na may boyfriend na..." singit ni Javier.
Mabilis kasing humawak sa likuran ko si Xenneth at ang isang kamay niya ay hinawakan din ang kamay ko.
"Tsaka tanggalin mo nga yang jacket mo. Wala ka sa La Presa para mag suot ng ganyang kakapal." dagdag na paninita ni Almira habang nag susuklay.
"Napaka KJ niyo." umiiling sa sinabi ni Xenneth habang hinuhubad ang suot na jacket.
Pinapanuod ko siya habang ginagawa iyon. Masyadong malapit ang kaniyang mukha sa akin. Kitang-kita ko kung gaano kaganda ang kaniyang mukha. Pwede siyang mag model.
Saktong pag tanggal niya ng jacket niya ay madami ang nag react.
"Sabi ko na eh!!" lumingon kami at nakita si Lauren. Umiiling iling siya. "Suspended ka di ba? Bakit ka nandito?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anu bang pakialam niya? Wala namang masama kung andito siya.
"Kung makapag react ka akala mo hindi ka din masaya na makita siya ah." biglang banat ni Almira.
Umirap na lang si Lauren at lumabas ng classroom. Tiningnan ko si Xenneth.
"Mukhang mag susumbong si panget ah..." natatawang banat ni Josh.
"Baka lalu kang mapahamak." bulong ko kay Xenneth. Tumingin siya sa akin. May lungkot sa kaniyang mukha kahit naka ngiti pa siya.
"Sige. I'll just text you." sabi niya sa akin ng naka ngiti.
Humalik siya sa pisngi ko at tsaka nag paalam sa amin. Sakto pag alis niya ay dating si Lauren kasama ang Prefect. Buti na lang at naka alis na si Xenneth.
"Where is he?!" padabog na nag tanung si Lauren. "Where is Xenneth?!"
"Maybe he's at home. Suspended siya di ba?" simpleng sagot ni Javier.
Umiiling na lang si Prefect. Hinarap niya si Lauren, "if attention is the only thing you want, ask it for others dahil hindi ko ito maibibigay sa'yo. "
Nalaglag ang panga niya sa sinabi sakaniya. Palihim naman tumawa ang mga kaibigan ko. Sinubukan niyang habulin ang guro pero hindi na siya pinansin nito.
"Hindi pa tayo tapos!!" sinigiwan niya kami at tsaka umupo sa kaniyang upuan. Kaagad siyang nilapitan ng mga kaibigan niya.
"Muntikan na tayong mahuli dun ah! Buti na lang at mabilis si Xenneth." buntong hininga ni Jaymie. Lahat naman kami ay tumango.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Ficção AdolescenteGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...