Hello KQs !! Im back !! Here is another story for you !! Look at the list of the cast members para malaman niyo kung sino-sino sila !! Oh and please remember na advance ang oras ng Philippines. 12hrs advance :)
Thank you and enjoy ❤ !!
~§ xoxo
-----
Kabanata 1
Bagong buhay
"OMG !! Ang gandaaaa! " napa sigaw ako ng makita ko ang labas ng Greenhill Academy. Mataas ang kanilang gate at pa arko ang style. May letrang G.A. ang kanilang berdeng gate. Kulay puti ang mga letra.
"This is going to be your second home." umakbay sa akin si Mommy.
Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko ng sabihin niya iyon sa akin. Hindi ko alam kung makakaya ko ito. Ngayon pa lang parang gusto ko nang bumalik sa bahay at mag suka.
Homeschooled ako since the day I cam remember. Only child lang ako. Masyado kasing busy ang mga magulang ko. My father is a surgeon while my mother is a lawyer. Wala talaga silang time, manatili sa bahay. Kung saan sila mag punta, kailangan kasama ako. I could count the schools that I had stepped on pero The chairs that I sitted on, wala pa.
Hanggang pag inquire lang kami, at the end of the day, hindi nila ako mabitawan. This is the first time na talagang pumirma sila sa school registration. Naging stable na kasi si Dad sa isang malaking hospital at si Mom ay nakapasok sa tatlong firm. That's a small number for her.
Wala akong kaibigan. Yes, that's true. Painful isn't?! Mga fictional boyfriends ko lang ang nakaka usap ko sa kwarto. But I'm not a nerd, I just know stuffs.
Grazielle is my name and Salazar is my last name. Hindi po ako heir ng Slytherin, nagkataon lang na ganun ang apelido ko, pero minsan, parang nag kakaintindihan kami ng mga ahas.
The pronunciation of my name? Its \Grey-zi-yell\ yung iba kasi, lalu na ang mga matatanda, makapag pronounce ay wagas. Tawagin ba naman akong \Gra-zhel !\ with exclamation point para intense.
Sana yung mga magiging klasmeyt ko ay makuha ang pangalan ko ng maayos. Pero hindi yun ang concern ko, ang iniisip ko ay ang mga mukha nila. I mean, mga ugali at magiging tingin nila sa akin.
I love black. I love pointy, sharp objects. I collect different kinds of stuffs, especially if it looks vintage. Kulay violet ang buhok ko at flower crown ang madalas kong headband. I wear converse with my dress. Skateboarding ang isa sa mga hobbies ko, as well as painting.
Walang school uniform rules ang Academy na ito kaya okay lang.
"Remember, kung hindi mo magustuhan ang school na ito, pwede ka pa din naming ilipat." pinisil ni mom ang braso ko.
Humarap ako sa kaniy. "Mommy, we've been in almost eight schools this week, baka pwedeng mag stay na muna ako dito?"
Hinawi niya ang buhok ko at tsaka inilagay ang kamay sa aking pisngi, "Alam ko anak. I just don't want you to get stressed. "
"Mas ikaw pa nga ang mukhang stressed sa akin mommy eh. I'm okay. Bagong buhay ito para sa akin. Sometimes, I must jump in order to see what's down there." sagot ko sa kaniya.
Naging teary-eyed naman siya na dahilan nang pag-ikot ng mga mata ko. Sila naman talaga kasi ang may problema, hindi ako. I'm free but yet I feel imprisoned.
"Sige, pasok ka na, baka malate ka pa." Hinalikan niya ako sa noo. "Susunduin ka ni Manong Paeng mamaya, okay?"
Tumango ako. I'm just sixteen and in the 10th grade, wala pa akong sasakyan kaya may susundo sa akin.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...