Chapter eleven

281 15 8
                                    

Kabanata 11

May gusto

'Galit ba siya sa akin? May mali ba akong ginawa? Kahit ang simpleng maliit na pimple ko ay napapansin niya. Bakit kahit anung tago ko sa kaniya, ako pa rin ang kaniyang parating napapansin? '

And I hit enter. Ayan ang status ko for today, or maybe for the month, it depends. Hindi naman ako facebook addict na kahit saan mag punta ay nag popost ng status. Pag may gusto lang talaga akong ilabas na sama ng loob, dito ko pinopost. Dahil alam kong wala namang papansin.

Pero mali din pala ang hinala ko. Dahil pagka post ko, puro like agad ang ginawa ng mga kaibigan ko.

Jaymie Nevez: May problema ka?

Yun ang unang comment. Buti na lang hindi nila malalaman kung na seen ko na ang comment na ito dahil ayoko siyang sagutin.

Almira Palera: #Hugot
Josh Morgan: I-tag mo na para magka alaman hahaha =)

Napa ikot na lang ang mga mata ko sa kanila. Kung alam lang nila na yung weirdo nilang kaibigan ang pinatatamaan ko, baka mas lalu lang nila ako pag tripan.

Tapos na kasi ang Linggo ng wika. Balik na kami sa impyerno, I mean sa regular classes namin. Nung unang week after ng event ay halos kalahati lang sa amin ang pumapasok. Daig pa kami ng mga elementarya. Hindi ko alam kung may mga lakad ba ang mga klasmeyt kong absent o sadyang mga tamad lang talaga sila.

Dahil madami ang wala, kahit ang mga teacher namin ay tinatamad ng mag turo. Sa isang linggo, isang assignment lang ang nakuha namin. Hindi naman sa ayaw ko iyon kasi believe me, nagpa party sila Gilbert after nun at nag enjoy ako pero syempre, na aapektuhan din kami.

Alam kong maloko ang mga kaibigan ko pero hindi sila nag aabsent ng dahil lang sa hangover event.

"Now, this is the real deal." sabi ni Benson. Naka upo kami sa likuran ng classsroom. Madami na ang pumapasok.

"Ako naman ang bored ngayon!" nag iinat na sinabi ni Javier. Pinatong pa niya ang paa niya sa desk ni Gilbert na kanina pa naka shades. Sa tingin ko tulog ito.

"Hey!" sabay kaming tumingin kay Xenneth. Naka leather jacket siya, as usual at naka taas ang buhok. Hindi ko pa natatanung sa kaniya kung bakit siya may black lotus na tattoo sa wrist.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "What's with the fake bangs?" inangat niya ang bangs ko gamit ang ballpen niyang kanina ay nasa gilid ng tenga niya.

"Huh? Hindi naman yan fake ah." sabi ni Almira pagka putok ng kaniyang bubblegum.

"Fake yan oh!" sabi ni Xenneth at umakma siyang kukunin pero tinaas ko ang kamay ko.

"Oppps!!" hinarangan ko siya. "Sinubukan ko lang kung bagay ba sa akin." sagot ko sa kaniya.

"Hindi bagay kaya tanggalin mo na." sabi ni Xenneth. Ay hindi pala niya sinabi, inutos pala niya.

"Ayoko nga!" sabi ko sa kaniya. Alam ko naman na hindi ganun kabagay sa akin ito pero dahil sa pimple ko, kailangan ko itong isuot. Alam ko na mang aasar na naman ang grupo ni Lauren.

"Walang pakialamanan ng trip  pre!" sabi ni Josh kay Xenneth.

Mag sasalita pa sana si Xenneth kaso dumating na ang teacher namin kaya umayos na kami ng upo. Bored na bored ako sa klase. Naka tulala lang ako sa harapan. Naka panga lumbaba ako at sa totoo lang, muntik pa akong makatulog.

After nito ay dumiretso ako sa gym. Nauna na ako dahil mag bibihis pa ako. Akala ko nung una ay ako lang mag-isa sa restroom pero yun pala nandun din sila Lauren.

Parating NapapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon