chapter twenty-three

59 3 1
                                    


Author's note : I can't thank you guys enough for your continues support to this story. And sana maintindihan niyo po na talagang busy lang ako kaya medyo sobrang late ang pag upload. Hindi rin kasi basta-bastang dumarating sa akin ang flow ng story. Sometimes, mag susulat ako ng kalahati pero hindi ko nagugustuhan kaya binubura ko din. But believe me, I am trying my best. I love you all and again, maraming salamat ✌

***

Kabanata 23

Stranger

Inalalayan nila ako. Sabay-sabay kaming umupo sa sofa. Hinihimas ni Almira ang likuran ko. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o hindi. Kung iiyak man, gusto ko sa kwarto ko. Ayoko ako makita nila mommy na ganito. Kadadating ko lang, miserable na agad ako.

" S toboy vse v poryadke? " rinig kong salita ni Henry. Lahat kami ay natahimik. Nasa likuran lang namin siya, nakatayo. Naka halukipkip.

"Anu sabi niya?" tanung ni Benson. Ngayon, sa akin naman sila naka tingin. Naka kunot ang mga noo.

"Uhhh" hindi ko alam ang sasabihin. Honestly, wala akong ideya sa sinabi niya. Dalawang taon man akong tumira sa Russia, wala sa mga naka sama ko ang marunong mag russian.

At hindi ko rin ginusto ang matuto dahil alam kong makaka uwi din ako ulit dito sa Pinas. Walang saysay ang lengwahe na iyon dito, unless na gusto mo mag turo kung paano mag salita ng ganun.

Nag kibit balikat lang ako. Tumingin sila ulit kay Henry. Umikot naman ang mga mata niya. Para bang sa amin pa siya na irita.

"Are you alright? " tanung niya sa akin. Minsan ang sarap sapakin nito. Dahil marunong naman siya mag english pero masyadong showoff.

Sasagot palang sana ako ng biglang itinaas ang kamay niya. Para bang suko na siya. Wala ding pasensya eh.

Sinundan ko ng tingin si Henry. Umakyat siya sa kwarto na ibinagay sa kaniya, dala ang mga maleta. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya dito. "Pabayaan mo na siya Gray." salita ni Almira sa akin.

Bumalik ang atensyon ko sa kanila. Puno ng pag aalala ang kanilang mga mukha. Iniisip nila siguro ang sakit ko. Medyo okay na naman ako eh. Pero...

"Gusto mo ba itong pag-usapan?" hinawakan ni Almira ang kamay ko. Alam ko kung anu ang tinutukoy niya.

Huminga ako ng malalim. Nag pipigil ng mga luha na gustong tumulo. "Yes, please..." tumango ako sa kanila.

| 2yrs ago |

Xenneth's POV

"Hindi ka ba talaga sasama?" pangungulit ni Jaymie. Ilang beses na akong umiling. Kaunti na lang at matatanggal na ang ulo ko.

"Don't be a brat! Sumama ka na!" ngayon naman si Benson ang nag sasalita. Naka dapa ako sa kama at naka tago ang mukha ko sa mga unan.

Bago pa ako sumagot ay hinila nila ang paa ko. Napa balikwas ako. Para pa silang mga tanga na tumatawa. Siguro dahil nakita nila na naka boxers lang ako sa ilalim ng kumot.

"Haha. Very funny!" Pasarkastik kong sinabi sa kanila. Pinulot ko ang unan na nalaglag at itinakip sa hita ko.

"Bumangon ka na kasi. Masyado kang madrama eh!" ani ni Jaymie.

"Oo nga. Para kang babae eh." dagdag ni Benson.

"Hindi naman kasi kayo yung nasaktan eh." bulong ko sa kanila. Pero mukhang hindi nila narinig dahil sabay silang nag sabi ng "Ano?"

Parating NapapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon