Chapter twelve

263 14 4
                                    

Kabanata 12

I like her

Mga ilang minuto din siguro akong naka tanga sa kwarto. Hindi maproseso ng utak ko ang nabasa ko sa comment box. Hindi rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Xenneth.

"You will get the answer soon..."

Nag eecho ito sa loob ng isip ko. Napag hahalataan na walang laman ang utak ko. Parang mga kweba, kaya may echo dahil malaki nga, wala namang laman.

Anu ang sagot ni Xenneth?! Anu din ang tinutukoy niya sa comment niya?!

"Ugh!!!" halos masabunutan ko na ang sarili ko sa kaka isip. Bumangon ako at nag bihis saglit. Malapit na kami kumain ng dinner, dapat mukha akong matino dahil baka mahalata nila mommy na may iniisip ako.

Maya-maya ay ayan na. May kumatok na sa kwarto ko. Bumangon ako at nag tungo sa pintuan.

"Hello baby!" yumakap sa akin si Daddy. Humalik siya sa pisngi ko. "Doing some homework?"

Umiling ako. "Nag papahinga lang po." sabi ko ng naka ngiti.

"Come on then! I bought a cake and ice cream!" masaya niyang sinabi at inalok sa akin ang braso. Oh my dad! He never fail to surprise me.

Nagulat ako sa sumalubong sa akin sa hapag kainan. Isang candle light dinner. Nag hahain si mommy ng mga pagkain at nang makita niya ako, Pinunas niya sa kaniyang apron ang kaniyang mga kamay.

"Hello my beautiful baby!!" mahigpit akong niyakap ni mommy at humalik sa ulo ko. Niyakap ko din siya pabalik.

"Hello my beautiful mommy!" naka ngiti kong sinabi.

Nilagay ni Daddy sa bewang niya ang kaniyang kamay at nag salita, "bakit siya tinawag mong ganun? Ako wala man lang gwapong daddy." nag puppy eyes pa siya na ikinatawa namin ni mommy.

"Come here sweetie!" binuksan ni mommy ang isa niyang braso at nag group hug kami.

This is a normal thing for me. Halos palagi kaming ganito lalu na pag nagkaka sabay sila ng uwi. We're a small family but we're contented at each other. Nasa ibang bansa ang kamag-anak namin at ang iba ay medyo malayo sa amin. Kami lang talaga ang magkakasama.

Habang kumakain kami panay ang kwentuhan nila. Ako naman ay sarap na sarap sa lutong steak and shrimp ni mommy.

"Grazielle? " tawag sa akin ni mommy.

"Hmm?" sagot ko. Naka tingin ang ulo ko sa kanila pero ang mga mata ko ay nasa plato.

"Sabi ni manong Paeng sa akin kanina, hindi ka daw nag pasundo." nabitawan ko yung tinidor dahil bigla itong dumulas. Nagulat si daddy.

"A-anu po?" patay na tayo dito. Mabubuking na ata ako.

"Hindi ka daw niya nakita kanina. Sinundo ka niya pero may nag sabi sa kaniya na may nag hatid daw sa'yo." kalmado ang pagkakasabi ni mommy. Tinaas ni Daddy ang magkabilaang kilay niya at tumingin sa akin.

"Sino nag hatid sa'yo hija?" dagdag na tanung ni dad.

Nilunon ko muna ang pagkain ko dahil baka mamaya sa iba pa ito tumalsik. Uminom ako ng tubig. Isang basong tubig. Naka abang sila ng isasagot ko.

"Anu po kasi..." panimula ko, "may nag offer po ng ride sa akin. Classmate ko po kasi malapit lang bahay niya dito." nice lie Grazielle. Kailan pa naging kapitbahay si Xenneth.

"Oh really? that's nice." naka ngiting sagot ni mommy.

"We should meet that classmate of yours. Mabait siya." dagdag ni daddy.

Parating NapapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon