chapter twenty-five

37 3 0
                                    

*I am so sorry for the late update. These past few years were rough on me. Medyo madami ang iniisip. I almost give it up, pero I don't want to let you guys down. Thank you for patiently waiting. I am slowly moving back and I hope one day every thing will be okay! Again, thank you so much ! I love you all 💕*

------

Kabanata 25

Closure

"Hindi kakainin ng mga pagkain na yan ang sarili nila, Grey..." banat ni Almira sa akin.

Lumipat ang atensyon ko sa kanila mula sa bintana. Naka tulala lang ako sa ulap. Tinaasan niya ako ng kilay sabay nguso sa plato ko.

"Oh!!" Gulat ko. Kinuha ko ang silverware sa gilid at nag lagay ng napkin sa may hita para pamunas ng kamay. "Kanina pa ba ito dito?"

Sabay-sabay silang tumango. Nag sorry ako at nag umpisa nang kumain. I kinda miss this kind of food. Walang sushi place doon sa Russia. Well, I mean, wala doon sa lugar kung saan ako nag stay. Or baka sadyang wala akong ideya sa nangyayari sa labas.

The facility where they treated me was big. Sa sobrang laki, dalawa ang cafeteria. At may recreation area kung saan pwede kami mag relax pag hindi kami naka higa sa kama na pinapaligiran ng kung anu't-anong klaseng machine. It was a cold and sad place. Wala masyadong kulay. Wala ka rin gaano makikitang mga kapwang pasyente na nag lilibot. Ilan lang. Yung mga nurses lang ang nandiyan sa paligid.

"How's your food?" tanung ni Javier sa akin.

Nag bigay ako ng thumbs up habang nginunguya ko ang pagkain. "I missed this!!" Dagdag ko. Puno ng pagkain ang bibig ko.

"Slow down girl! Wala bang pork tonkatsu dun sa Russia?" tanung ni Jaymie sa akin.

Itinaas ko ang daliri ko sa kaniya sabay kuha nung iced tea at uminom. Nabigla ata ako ng pagkain.

"Wala.." singit ni Henry dun sa gilid. Sabay-sabay namin siyang nilingon. Tahimik lang siyang kumakain ng seaweed salad. At naka chopsticks pa.

"Well he's a weird one" ngisi ni Gilbert.

Tinawag nila ang waiter at nag order ng ilang desserts. After kumain, nag ikot kami sa mall. Dumaan kami sa ilang stores at kung anu-ano ang mga binili.

Sa arcade ang huling bagsak namin. Naubos ata ang mga baon naming pera doon dahil bili kami ng bili ng tokens.

"Anu ba yan Jaymie!!! Sinayang mo lang eh!!" hinampas siya ni Almira.

"Malay ko ba! Tumutulong lang ako eh." nag pout ang loko sabay himas sa braso niya. Panigurado mahapdi yung braso niya.

"Dun ka na lang sumali sa mga lalaki. Pabayaan mo na kami dito." joke ko sa kaniya sabay tulak namin siya palayo.

"Ehhh boring sila kasama. Tsaka mas madami tokens niyo." may lambing sa boses niya. Halatang sumisipsip lang.

Nag patuloy ang dalawa sa pag tatalo. Ako naman ay tumingin sa paligid. Malaki ang arcade pero hindi pa ganun kadami ang mga nag lalaro. Kita ko ang paligid at ang mukha ng tao.

"Where's Henry?" tanung ko kay Jaymie.

Tumigil siya sa pag aagaw nung joystick kay Almira at lumingon. Nag kibit balikat siya. "Ang huli kong kita sa kaniya kasama siya  ni Javier dun sa Jurrasic Ride."

Tumango na lang ako at pumunta dun sa mga lalaki kong kaibigan. Nag lalaro sila sa basketball game. Lamang ang points ni Gilbert.

"Guys!!" Awat ko sa kanila. Tapos na sila mag laro pero nag aagawan sila dun sa isang bola na lumabas ng rink.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parating NapapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon