Kabanata 16
Xenneth Palera
"Well, that went well..." naka ngising sabi ni Xenneth pagka labas namin ng bahay. Sinamahan ko siya hanggang sa kaniyang sasakyan.
Tama siya. Naging maayos ang usapan. Strict sila dad kaya hindi ko inaasahan na okay sila. Nung una, medyo mataray sila lalu na si mom pero as they go on, nawala ito.
Mga magaganda at nakaka tawang bagay na ang napag usapan nila. Inaya pa nga nila siya sa yearly camping trip namin. Gusto daw nila mameet ang family ni Xenneth.
I know, medyo iba mag isip ang parents ko. Masyadong mabilis. Yung future kaagad. Hindi ko sila masisisi dahil only child ako at first boyfriend ko si Xenneth.
Like what I said, I don't even know how to be a 'girlfriend'. Walang instruction manual ang ganitong bagay. Dahil kung meron, matagal ko na itong binili sa bookstore.
Masaya lang talaga ako at tinaggap na nila si Xenneth. Wala na akong iisipin na paraan para itago ito sa kanila. Open na kami sa mga magulang namin. Kahit sa school alam na nila ito. We're free.
Yumakap siya sa akin bago umalis. Mag kikita pa naman kami bukas. Natapos na din daw niya ang mga assignments namin kaya bored na naman siya.
Him: Free ka ba bukas after school?
Text niya sa akin pagka patay ko ng lampshade. Akala ko ba matutulog na ito, bakit nag text pa.
Me: Hmm. Why? Depende sa kung anu gagawin.
Him: Baka pwede mo akong samahan.
Samahan? Saan naman kaya. Baka mamaya kung saan ako dalhin nito. Hindi naman siya siguro ganung lalaki. Kung tutuusin weird nga ito para sa isang lalaki. May isang folder siya sa tablet niya na puno ng iba't-ibang pictures. Mga kakaibang pictures. Yung hindi mo inaasahan na makikita sa isang lalaki.
Me: Saan naman? Tsaka what time? Sino kasama natin?
Matagal bago siya nakapag reply. Bumagsak na nga sa mukha ko yung cellphone eh. Naka idlip na ata ako.
Him: I know na pag sinabi ko sa'yo, hindi ka sasama...
Me: Saan nga?
At yun ang huli kong natandaan na text bago ako tuluyang naka tulog. Hindi ko alam kung nag reply ba siya or what.
Hindi nag alarm ang phone ko. Buti na lang at ginising nila ako. Nagulat ako ng pulutin ko sa sahig ang naka patay kong phone. Lowbatt ito. Sinaksak ko sa charger at tsaka binuksan.
Habang nag hihilamos ako, sunod-sunod ang tunog. Mga messages ito mula kagabi. Nag punas ako ng mukha at umupo sa sahig.
"Kumain ka na dito! Baka malate ka pa!" narinig kong sigaw ni manang.
"Opo! Saglit lang." sagot ko pabalik.
"Aba! Walang saglit-saglit! Malalate kang bata ka!!" sigaw niya ulit.
Napa iling na lang ako. Hinintay ko matapos ang pag dating ng mga texts. Sino naman ang mag tetext ng gabi sa akin. Tumigil ang tunog at tiningnan ko ito.
34 new messages
Nanlaki ang mga mata ko. 34?! May daliri pa ba ang nag text sa akin?
Pagka bukas ko, nakita ko na 29 ay galing kay Xenneth at yung iba hindi ko na pinansin. Inopen ko ang galing sa kaniya.
Him: Kay Lauren. She invited me and I want you to come with me.
Yun ang reply niya sa tanung ko. Nakatulog nga pala ako. Nag scroll ako sa mga sunod niyang texts.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...