Kabanata 4
Papansin
"Hindi ka na pwedeng lumipat." sabi sa akin ni mommy habang nag luluto ng pansit.
"Pero mommy, sinabi mo sa akin na pag gusto kong lumipat, sabihin ko lang sa'yo." medyo nag puppy-eyes pa ako.
Tumigil siya sa pag halo. "That was two weeks ago. Wala ng eskwelahan ang tatanggap sa'yo. Masyado ka ng late."
Ngmuso lang ako at humalukipkip. Humarap siya sa akin.
"Bakit mo ba gustong lumipat? May inaway ka ba?" tanung niya sa akin.
Nalaglag ang panga ko at nilagay ang kamay ko sa dibdib. "Mom! Ako pa talaga ang mang aaway?!"
Tinaas niya ang kilay niya. At doon ko napagtanto na maling sagot ang naibigay ko. Humalukipkip siya at sumandal sa counter.
"Sino ang nang aaway sa'yo?" tanung niya sa akin.
Napakagat ako sa labi ko. "W-Wala po..."
"You are the worst liar ever." naka ngisi niyang sinabi sa akin.
Paano ba naman ako hindi mag papalipat, eh pagkatapos lang ako bantaan nung mayabang lalaki na iyon ay may nag bato na sa akin ng slurpee.
"You will regret this day."
Pakiramdam ko nung sinabi niya iyon sa akin, nag echo iyon sa buong school. Lahat ng babae ay kaagad nagalit sa akin. Paano ko iyon nalaman? Eh ayun nga, may slurpee na lumipad sa akin. Unless may pakpak na ang baso ng 7 11 at naligaw kaya sa ulo ko tumama.
Akala ko yun lang makukuha ko, pero yun pala, yun lang ang umpisa. Dahil kinabukasan, after recess na ako naka pasok. May nag lock sa akin sa locker room. Bakit kasi sa labas ang lock ng locker room?! Ang tanga lang nung gumawa ng pintuan.
Nung binuksan iyon ng mga higher year, akala nila ay nag cut class ako at natulog lang daw ako dito. Nag paliwanag ako pero hindi sila nakinig. Yun pala, alam din nila ang tungkol sa nangyari kay Xenneth.
"Sa susunod kasi, wag kang papansin." sabi nila sa akin.
Napa nganga ako, "Ako pa talaga ang papansin?! Eh kayo nga itong daan ng daan sa harapan niya pero hindi naman kayo pinapansin." sabi ko sa kanila. At dahil sa bibig ko, nabuhusan tuloy ako ng tubig. Ay hindi pala tubig, gatorade pala.
"Itikom mo yang bibig mo. Kung hindi, mas matindi pa dito ang makukuha mo sa susunod." sabi nung isang cheerleader at tsaka ako tinulak palabas ng locker room.
Pasalamat sila at mabait ako dahil kung demonyita ako, baka nilock ko din sila sa loob at nag lagay ng sign na 'Dont open. Dead inside.' sa pintuan. At buti na lang, may extra tshirt ako. Nakapag palit ako bago matapos ang recess.
"Oh my goodness! Anu nangyari sa'yo?" OA na nag react si Almira. Napatingin tuloy ang mga kaklase namin, at isa na doon si Xenneth.
"What are you talking about?" tanung ko sa kaniya. Obvious ba na nirape ako ng ilang basong gatorade?!
"Your hair is sticky kaya..." sabi niya sabay hawak sa buhok ko.
Simula nun, nag ponytail na ako. Or braid sometimes. Sinabi ko kay mommy na walang nang aaway sa akin.
"I'm just bored. Walang thrill sa school na iyan." sagot ko sa kaniya. I don't know if she will believe me, pero dahil sa ekspresyon niya, sa tingin ko ay naniwala siya pero....
"Hindi pa rin kita ililipat."
Fvckingsht!!
Ngayon, on the way na ako sa birthday party ni Almira. Dahil daw ayaw nila ako palipatin, pinayagan na lang nila akong umattend. Of course, kasama si manong Paeng.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...