Kabanata 24
Meeting you
Isa sa mga bagay na namiss ko dito sa Pinas ay yung init. May init sa Russia pero nandun parin ang lamig. Kahit na mag jogging ka ng ilang laps, siguro isang patak lang ng pawis ang lalabas sa'yo. Hindi tulad dito, tumayo ka lang sa labas ng bahay mo, exercise na iyon.
Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Naka tayo ako sa labas. Kahahatid lang sa akin ni Manong Paeng. Nakatingin ako sa form ko. Pareho kaya kami nila Almira ng classes?
Halos walang pinagbago ang Academy. Maganda pa rin at malaki. Ganun din ang mga estudyante. Matataas pa rin ang mga noo. Madaming bagong mukha. I mean, may mga bagong students dahil mga freshmen sila. Pero sa year namin, halos hindi ko mamukhaan yung iba. Two years were a very long time.
"Do you need help?" kalabit sa akin. Lumingon ako at nakita ang isang babae na naka formal na damit. Para bang pupunta siya ng office.
"I'm fine. Thank you." sagot ko sa kaniya.
"Sige. Pag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin." ngiti niyang paliwanag sa akin.
Tumango naman ako. Mag papasalamat sana ulit ako nang biglang sulpot sila Almira.
"Hi Gray!" bati nila sa akin. Like the usual, weird pa rin sila manamit.
"Uhm, kanina ka pa dito?" nakipag beso si Mira sa akin. Umamba si Jaymie pero hinila lang siya palayo ni Javier.
"Hindi naman. Halos kararating lang." sagot ko sa kanila. Kinuha ko ang folder mula sa bag ko.
"You know her?" tanung nung babaeng naka uniform. Straight ang kaniyang palda. Paano siya nakaka galaw ng maayos.
"Oo. Bakit? Anu problema?" pananakot na sagot ni Jaymie. Napa iling na lang kami. Isa rin ito sa mayayabang eh.
"Tinutulungan niya lang ako." hawak ko sa balikat ng kaibigan ko para umatras siya ng kaunti.
"But you don't need help. Hindi ka naman new student." salita ni Josh habang inaayos ang pulang headband.
"Akala ko kasi new student siya. She look so lost." kalmadong sabi nung babae.
"Well next time, Monika, wag mo na lang siya pansinin. Ganyan lang talaga mukha niyan!" Banat ni Jamymie sabay kindat. Tumango na lang yung babae at umalis.
Sinuntok ko siya sa tagiliran. "Ang loko mo din minsan eh no?!"
"Tropa kami nun!" sagot niya sa akin.
Napa iling na lang ako. "Estudyante ba yun? Bakit ganun damit niya?"
"Member ata ng school council. Mga ka echosan lang nila yun." paliwanag ni Almira.
"Council? Kailan pa tayo nagkaroon ng ganun?" tanung ko sa kanila.
Nag kibit balikat sila. "Nagulat na lang kami nang nag announced sila last year. Ang daya nga, hindi man lang nag botohan."
"Punta na tayo sa classroom. Gusto ko makita kung sino mga classmates natin." excited na sinabi ni Jaymie.
"You mean excited kang makita ang mga 'babaeng' classmates natin." inemphasize ni Josh salitang babae.
"Tara!!" yumakap sa braso ko si Almira at sinundan namin ang tumatakbong Jaymie.
I'm glad na kinulit ako ni Almira. Hindi rin siguro kami mag kakabati kung hindi niya ako pinuntahan sa bahay. Sila ang nag tulak sa akin na mag enroll. Tinulungan din nila akong makipag usap kay mommy at daddy. Pagkatapos ng ilang bribe, napa payag nila.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Dla nastolatkówGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...