Advance merry Christmas to y'all! ❤
-----
Kabanata 13Famous
"Ugh!!"
Hindi ko alam kung bakit sa dinamidami ng araw na dadatnan ako, ngayon pa!! Ang tindi ng sakit ng puson ko.
Pagulong-gulong ako sa kama. Sa carpet. Hindi ko alam kung anu ang gagawin. Bakit kasi kailangan mag hirap ng ganito ang mga babae -_-?! Bakit ang mga lalaki hindi man lang dumadaan sa ganito?! Tapos bukod dito, dadaanan pa namin ang siyam na buwan na pag bubuhat.
"Ugh!!"
Uminom na ako ng pain reliever pero wala pa ding epekto. I know na sabado ngayon at dapat relax lang pero dahil sa project namin ni Xenneth, may usapan kami na gagawin namin ito sa bahay ni Almira.
Kanina pa nga siya nag tetxt at nag mimissed call pero wala akong reply. Sa totoo lang, last week niya pa ito ginagawa. Isang linggo na kasi ang nag daan simula nung sinabi niya na gusto niya ako.
I don't know what happened to me pero bigla akong naging malamig. Para bang bigla akong napa iwas ng wala sa oras. Syempre hindi ko iyon pinapahalata. Ayoko naman isipin niya na maarte ako or what.
Hay. Siguro nabigla lang ako dahil mutual pala ang feelings namin sa isa't-isa. Yes, mutual. I like him. I like Xenneth. Kahit na may pagka weirdo at misteryoso siya. Kung tutuusin, yun ang dahilan kung bakit ako nagka gusto sa kaniya. I want to know him more. Pero natatakot ako.
What if he only likes me as a friend. Or he only said that likes me dahil madaming babae ang umaaligid sa kaniya at ayaw niyang magulo ang buhay niya kaya ginamit niya akong dahilan. Or maybe, he do like me pero ayaw niya muna mag madali. What ifs lang naman yun pero paani kung totoo?
Never pa akong nagkagusto sa isang tao. I don't even know kung paano ko nasabi sa sarili ko na gusto ko siya. I just woke up one day knowing na i like him. Yun bang pangalan pa lang niya, bumibilis na tibok ng puso ko. Simpleng daplis ng kamay niya sa balat ko halos matunaw na ako sa pag pigil ng kilig. Ni hindi ko nga alam na marunong pala akong kiligin.
I'm the kind of girl who's first love is a fictional character. The kind of girl who wishes na sana totoo na lang ang mga fictional characters dahil nasa kanila ang mga katangiang hinahanap mo. Pero once na may magustuhan ka na, hindi mo na mapipigilang hindi mag compare. As much as possible, ayokong mangyari yun. It's weird din kasi.
"Grazielle?! " napa bangon ako sa katok ni manang sa pintuan. Naka higa kasi ako sa sahig.
"Bakit po?" sumilip ako sa pintuan. Magulo kasi ako sa kwarto kanina kaya ayokong masilip niya ito.
"May bisita ka." naka ngiti niyang sinabi. Alam ko kung anung ngiti yun.
Sh*t!
"Sige po. Mag aayos lang po ako." sagot ko sa kaniya at tsaka sinara ang pintuan.
Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Naka ready na naman ako pero yung kwarto ko hindi. Binato ko na lang muna sa gilid ang mga kalat. Kinuha ko ang mga art supplies na binili ko sa little town kanina at nilagay sa bag.
Nag ayos ako sa salamin at tsaka bumaba ng kwarto. Naka upo sa sofa si Xenneth at naka halukipkip. Blanko ang ekspresyon ng mukha niya. Para siyang bored sa buhay niya.
Humikab siya at saktong harap niya sa akin ay isinara niya ang bibig niya. Nag pigil tuloy ako ng tawa. Ang cute kasi nung itsura niya.
"Kanina ka pa ba dyan?" tanung niya sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...