Kabanata 19
Lesson learned
"And he is back !!!" open arms sinalubong ng mag kakaibigan si Xenneth. Nag yakapan sila sa gitna ng klase. Akala mo ilang buwan nawala. Dalawang linggo lang naman.
Well, those two weeks was hell for us, especially for me. Dumadalaw siya sa amin pero nahinto din. Nag sumbong kasi sila Lauren. Binabantayan na tuloy ng guard ang mga pumapasok. Mga isang linggo lang din naman yun.
"Feel lonely now?" tanung sa akin ni Lauren. Tumingin ako sa paligid para makasiguro na ako ang kinakausap niya. Ugali kasi nito na mag sasalita tapos pag sumabat ka sasabihin niya hindi ikaw ang kausap niya. "Ikaw ang kausap ko..." sabi niya.
Bumuntong hininga ako at isinara ang libro na binabasa ko. Hinarap ko siya at nag taas ng isang kilay.
Tumingin siya sa paligid namin. "Obvious naman na ikaw ang kausap ko diba? Wala naman ibang tao dito..." mataray niyang banat sa akin.
Tumikhim ako at sabi, "Well, malay ko ba, baka mamaya may iba kang nakikita. Napaka lawak pa naman ng imagination mo..."
Naningkit ang mga mata niya. Sumandal siya palapit sa akin. Inilagay niya ang kamay niya sa lamesa.
"Wala lang si Xenneth sa school naging mag isa ka na. Hindi pa ba sapat na dahilan yun sa'yo para umalis dito?!" Naka taas ang kilay niya ng sabihin yun sa akin.
Kumunot naman ang noo ko at tinagilid ng kaunti ang ulo, "What do you mean by that?"
"Well, its obvious na si Xenneth lang ang pumapansin sa'yo dito, wala ng iba. So why bother stay?!" naka ngiti niyang sinabi sa akin. Yun bang mala demonyong ngiti.
Ibinuka ko ang bibig ko para bumanat sa kaniya pero saktong pumasok sila Almira. Lahat sila ay umupo sa lamesa ko.
"You were saying?" naka ngiti kong sinabi kay Lauren. Umirap lang siya at tsaka lumabas.
Sinundan naman siya ng tingin ni Jaymie. "What's her deal?" tanung niya sa akin .
Nag kibit balikat na lang ako. "Inggit lang siya dahil I have better friends..."
Umakbay naman si Almira sa akin at hinalikan ako sa pisngi, "And awesome!!" Dagdag niya sa akin.
"Wag din kalimutan ang 'good looking ' !!" isa pang dagdag ni Benson.
"Plus smart..." malaki ngisi ni Gilbert.
"Smart?! Ni hindi mo nga kilala si Einstein." Tumatawang sumbat ni Jaymie.
At doon sila nag umpisang mag talo. Napalabas tuloy kami ng library. At least napatunayan ko na mali si Lauren. Nandyan man si Xenneth o wala, may mga kaibigan pa rin akong masaya kasama. Pero syempre, mas masaya pa rin pag nandyan si Xenneth.
"Earth to Grazielle?!" napa kurap ako ng biglang kinaway ni Almira ang kamay niya sa harapan ko. Nandyan na pala ang teacher namin.
Tiningnan ko si Xennethe pero isang mahigpit na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin.
Weird.
"Well, look who do we have here. Mr. Palera is back in business. " naka pamewang na sinabi ng homeroom adviser namin. Lahat tuloy napatingin sa kaniya. "Im sure you learned your lesson..."
Pasimpleng lumingon si Xenneth sa akin bago siya sumagot sa guro. "Yes Sir. Lesson learned! "
Double weird.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...