So sorry for the late update loves, may interview kasi akong pinag handaan ;)! But anyway, here is a new chapter ❤ !!
----
Kabanata 8
Maria at Jose
Alam niyo yung pakiramdam na sana may lalaking katulad pa ni Daryl Dixon. Yun bang kahit hindi siya showy sa kaniyang nararamdaman, ay pag dating naman sa'yo halos madurog na ang buto mo sa sobrang higpit ng yakap niya. Yun bang palaging mainit ang ulo niya pero pag ikaw na ang sumuway bigla na lang siyang tatahimik. Siya ang kalakasan mo at ikaw naman ang kahinaan niya. Simple yet beautiful relationship.
Pero mukhang sa mundo natin ngayon, bihira na makakita ng ganun. Dapat ata magka zombie apocalypse muna bago mag silitawan ang mga kumag na iyon. Baka nasa ilalim sila ng mga bahay at nag iintay lang na kailanganin. Bakit kasi ganun, kung kailan lang kailangan tsaka lang kikilos, hindi ba pwedeng mag kusang loob?
Hindi ba nila napapansin na hinihintay lang sila ng mga babae? Oo, single kami at masaya, pero sana naman maisip din mga lalaking iyon na single kami dahil antatagal nila. Masaya kami dahil walang nag bibigay ng stress sa amin pero minsan nakaka boring din dahil gusto namin mastress. Kaso nasaan sila?!
Tulad ngayon, naka tayo ako sa mrt. Halos puro lalaki ang naka upo sa upuan at ni isa ay walang nag papaupo. Na alala ko pa yung sinabi sa akin ng isa naming kaklase, well hindi niya literally na sinabi sa akin, narinig ko lang na mga chicks lang daw ang madalas binigyan ng upuan ng mga lalaki sa Mrt.
Nung una, bigla kong naisip ang mga sisiw na nasa loob ng mrt. Bakit sila sasakay doon? Papasom ba sila ng eskwelahan? Dahil slow ako at Homeschooled, huli na nung narealize ko na babae pala ang tinutukoy na chicks. Yung mga nakikita ko kasing bata dati sa labas ng bahay nag sasabihan ng ganun pero lalaki sa lalaki.
"Anu ka, chicks?! bumili ka ng sarili mong beyblade!" madalas na sigawan ng mga bata doon sa labas ng bahay.
"Hoy babae!!" narinig kong sigaw ni Xenneth. Anak ng tupa, nasa labas na pala siya. Sumiksik ako at lumabas na. Bakit kasi sa dinamidami ng pupuntahan na mall, sa malayo pa ang pinili niya.
"Hintayin mo naman ako!" sigaw ko sa kaniya. Pumayag na nga akong mag commute kami para maranasan ko "daw" ang buhay estudyante.
"Bilisan mo kasi pag lalakad." sabi niya sa akin. Hinintay niya ako saglit lang tapos nag lakad ulit. Buti na lang at naka sapatos ako. Nakaka habol ako sa kaniya.
Dumiretso kami sa food court. Sabi niya kanina sa Kultura kami pupunta pero dito naman siya dinala ng kaniyang mga paa. Tumayo siya sa gitna at nilagay ang kamay sa bewang. Ngumuso siya at naningkit ang mga mata. Tinitingnan niya ang bawat kainan. Nasa kabilang side lang kami at sa kabila ay meron pa.
"Ayoko dito." sabi niya sa akin at lumipat. Ganun ulit ang ginawa niya sa kabilamg side. Halo-halong amoy ang pumapasok sa ilong ko at pakiramdam ko ay mag lalaway na ako pag hindi pa kami kumain. "What do you want?" nabigla ako sa tanung niya.
Tiningnan ko siya. Hindi naman siya naka tingin sa akin. Ako kaya tinatanong niya? Well, wala naman kami ibang kasama dito, siguro ako iyon.
"Kahit anu okay lang basta makakain." sagot ko sa kaniya pero nag cacrave ako ng sizzling plate ngayon. Yung salsbury steak na may mashed potato at kanin.
SHT!~ hindi naman ako buntis pero ang dami kong gustong kainin. Bukod dun ay nag lalaway ako sa kaldereta at sinigang na hipon. Masama ata ang mapagod sa akin.
"Walang kahit anu dito." tamad niyang sinabi. "Wag kang mag alala. Libre ko naman." dagdag niya. Okay na sana kaso ang yabang ng dating.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Ficção AdolescenteGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...