Kabanata 6
Boys vs Girls
Don't judge a boy by its look.
Mahirap na dahil baka kung sino yung matitinong mag damit, ay yun pa pala ang mga rapist. At kung sino pa yung mga gwapo, siya pa yung mga mas maarte sa akin. Naisip ko ang linyang iyon dahil sa nangyari kanina.
After namin mag klase, which was fine by the way dahil ang assignment namin ay pumasa, pumunta kami sa soccer field at tumambay. Naka sunod lang ako kila Almira na masayang nag lalakad sa track and field. Nang makaramdam ako ng pagod ay tsaka lang ako umupo sa gitna ng field.
Nandun din sila Xenneth. Naka higa sila sa gitna at mga naka shades pa. Hindi ko alam kung sino ba ang mga ito at ganito na lang sila umasta. Umiikot ang paningin ko. Nakikita ko ang mga estudyanteng mababagal mag lakad. Mayroon ding nag mamadali dahil mukhang late na sa klase. At syempre hindi mawawala ang mga nag P-PDA.
Nagulat ako ng may nakita akong nerd na babae na binunggo ng mga skaterdudes. Pinag tawanan pa siya ng mga ito. Walang tumutulong. Umamba akong tatayo pero nakita ko na may lumapit na sa kaniya.
Malaki ang ngiti nung lalaking tumulong sa kaniya. Sabay pa silang nag lakad. Nakaka tuwa siya. I mean yung lalaki. Kasi gwapo na nga, mabait pa. San ka pa?!
"Bakla yun wag ka na umasa..." mabilis umikot ang ulo ko at tumingin kay Xenneth. Naka pikit siya. Kita ko ang mga mata niyang nag tatago sa likod ng mala-blue niyang shades. Naka higa siya at ang dalawang kamay niya ang kaniyang unan. Nasa gilid niya sila Jaymie.
"Sino tinutukoy mo?" tanung ko sa kaniya kahit napaka obvious naman kung sino talaga.
"Yung lalaking tumulong dun kay Betina." sabi niya sabay humikab.
Tumayo naman ng kaunti sila Jaymie. Naka alalay sa likod niya ang kaniyang siko. Ibinaba niya ng kaunti ang shades niya at tiningnan ako. "Maniwala ka kay Xenneth. Totoo ang sinasabi niya." sabay tawa nila Gilbert.
"Paano mo... niyo naman nalaman iyon? Tsaka yung babae, paano mo nalaman pangalan niya?" saktong pag tanung ko nun ay dumating na ang couple at tumabi sa amin.
"Si Xenneth pa talaga ang tinanung mo niyan?" tumatawang sinabi ni Josh.
"Huh? Bakit naman?" nalilito kong tanung. Hinawi ko ang buhok ko dahil nag uumpisa na maging mahangin.
"Halos lahat kasi ng tao dito kilala si Xenneth, I mean, nag papakilala kay Xenneth." tumatawang paliwanag ni Javier.
Medyo nanlaki ang mga mata ko. So peymus pala ang lalaki na ito?! Kahit ganito ang itsura niya, madami ang nakakapansin sa kaniya.
"Ahh. Kaya pala..." sabi ko sabay tingin ulit sa pathway. Hinilig ko ng kaunti ang ulo ko. "Pero teka, yung lalaking gwapo, paano mo nalaman na bakla?" kay Xenneth na ako naka tingin.
Tumawa ng malakas ang mga nakapaligid sa akin. Kahit si Almira ay natawa. Seriously, wala ba silang seryosong side?!
"Porket gwapo bakla agad?" tanung ko sa kanila.
Umakbay sa akin si Benson kaya napa tingin ako sa kamay niya na agad niyang tinanggal din. "Alam mo Grazielle, sa school na ito, may mga bagay talagang nakaka gulat. Minsan hindi mo alam na teacher na pala ang kausap mo dahil masyadong bata, at may pag kakataon din na akala mo lalaki, yun pala, lalake..."
Humahagikhik ang mga kasamahan niya. Minsan nag dadalawang isip din ako sa pag sama sa grupo na ito. Baka mamaya galing sila sa ibang planeta na nag kakatawang tao, tapos mag aabduct ng isang tao para pag experementuhan.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...