Busy. Busy. Busy. But hey look, a new chapter ;)!! ❤
-----
Kabanata 5
Partner in crime
"Oh stop crying!! " binato ako ni Xenneth ng unan.
"Aray ahh!! " binato ko siya pabalik at nag punas ng luha.
Suminghap lang siya at niyakap nang mahigpit ang unan. Binalik ko sa tv ang atensyon ko. Nanunuod ako ng Doctor Who at napaka heartbreaking ng scene na ito.
Nagka hiwalay ang Doctor at si Rose. Umamin si Rose na mahal niya si Doctor, pero nung sasagot na si Doctor, bigla na lang siya nag laho. Kasabay ng pag hagulgol ni Rose ang pag tulo ng sipon ko.
'Rose Tyler, I --'
Alam niyo yung feeling na ganun, yung bitin. Yung alam mong nandyan na pero bigla na lang nawala. Yung malapit ng matapos pero huminto. Isang percent na lang pero nag hang pa. Yung ganung pakiramdam, nakaka inis yung ganun.
At ganun na ganun ang naramdaman ko last few days. After nung party ni Almira, nagulat ako dahil nag-iba ang trato nila sa akin. Hindi nag bago ang maiinit nilang tingin, pero ang pakikisama nila ay nag bago.
Natuwa ako doon. Sa sobrang tuwa ko ay bumili ako ng isang malaki pizza at kinain iyon mag-isa. Pero doon din mismo natapos ang kasiyahan ko dahil saktong pag kagat ko ng last piece nung twelve inches na pizza ay nag ring ang phone ko.
"mmhellor?!" mag kagat pa akong pizza. Inipit ko ang cellphone sa gitna ng balikat at tenga ko at nag punta sa kusina para kumuha ng gatas.
"Simula bukas ikaw na ang partner ko for the whole year!!" yun ang bumungad sa akin.
Napa nganga ako kaya nalaglag sa sahig ang pizza. The last beautiful piece of heaven fell on the floor. Nasayang ito at nang dahil lang sa pesteng mayabang na nasa kabilang linya na kung saan ay hindi ko alam kung paano niya nalaman ang number ko. Siguro si Jaymie o Si Almira ang nag bigay.
"Hindi ko alam ang tinutukoy mo!" sabi ko pabalik. Naka ipit pa rin sa balikat ko ang telepono. Nilinis ko ang nalaglag na pizza. Ipapakin ko na lang ito kay Tictac mamaya, ang pinaka mamahal kong pusa na kasing itim ng pentel pen at kasing lambot ng bulak.
"Kinausap ako nung matandang teacher natin sa english. Kailangan ko daw mag hanap ng partner para sa buong taon." paliwanag niya sa akin. May bahid ng pagiging iritable ang boses niya.
Kumunot ang noo ko. "At sa dinamidami ng babae sa room, ako pa talaga ang napili mo?!"
"Mag pasalamat ka na lang at ikaw ang napansin ko." mayabang niyang utas.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "Masyado ka atang mapresko! Baka nakaka limutan mo na dahil sa'yo ---"
"Haaaaaaay!!" narinig ko ang pag hikab niya kaya napatigil ako. "Pumasok ka ng maaga bukas. Kailangan kita."
At doon na niya ibinaba ang tawag. Ni hindi man lang nag sorry?! Hmp! Bahala siya sa buhay niya. Dahil sa kaniya,nasayang ang pizza ko. Hindi ako papasok ng maaga bukas.
And I spoke too soon. Nagkaroon ng urgent call si Daddy kaya maaga siyang gumising, kasabay nun ay ang pag gising niya sa akin. No choice din ako.
Kaya eto ako ngayon, stuck sa bahay kasama siya. Kumakatok sa bintana ang malakas na hangin. Imbes na naka yakap sa malambot na kumot at may mga pagkain na naka paligid habang nag mamarathon ng Doctor Who, ay nag sasuffer ako sa mapait na ambiance na dala ni Xenneth.

BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...