Chapter fourteen

374 12 2
                                    

Kabanata 14

Part of your life

"How about this?" tinapat ko sa harapan ko ang isang simpleng yellow dress na may design na mga bulaklak.

Umiling si Jaymie. Naka tulala lang siya sa akin habang naka pangalumbaba. Ngumuso naman ako at tinapon sa gilid ang damit.

"Eh ito?" pinakita ko ang isang checkered na Black and white na dress.

Umiling siya sabay hikab.

"Wala ka naman natutulong eh." sabi ko pagka tapon ko nung damit sa gilid.

"Wala ka naman kasing magandang damit." naka ngisi niyang sinabi. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ba kasi puro dress ang pinapakita mo?! Wala ka bang ibang damit?"

"Eh gusto ko nga mag mukhang maayos." sabi ko sa kaniya.

"Yun ba talaga ang dahilan mo? O baka naman dahil gusto mo din itong lalaki." humalukipkip siya at tumayo sa harapan ko.

"Malamang gusto ko siya kaya nga gusto ko mag mukhang maayos eh!" humalukipkip din ako. Hindi niya kasi alam na si Xenneth ang ka-date ko. Ayokong sabihin sa kaniya. Kaya ko lang naman siya pinapunta dito ay para humingi ng advice sa damit.

Lalaki siya. Gusto ko malaman kung maganda ba yung damit na isusuot ko. Ayokong mag mukhang formal o masyadong simple. Gusto ko yung sakto lang.

"Kung talagang gusto ka nung lalaking yun, kahit mag pajama ka sa lakad niyo, okay lang sakaniya." sabi ni Jaymie sabay bato nung Walking dead pajama ko.

Tinapon ko naman ito sa kama. "Hindi ka naman nakakatulong eh!" sabi ko ulit sa kaniya.

"Alam mo, mas makakatulong ako kung kilala ko yung lalaki. O di kaya, idescribe mo na lang. Dapat may idea ako sa kaniya." mayabang niyang sinabi sa akin habang inaamoy ang mga pabango ko na kaagad ko namang kinuha.

Hindi ko alam kung paano idedescribe si Xenneth ng hindi niya nalalaman na si Xenneth yun. Mag bestfriend sila, alam nila ang katangian ng isa't-isa.

"Uhhh..." nag iisip ako ng sasabihin. Hinila niya ang upuan ko na maliit at sumalampak doon. Tiningnan niya lang ako. "Hindi ko alam eh." napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Crush mo na makikipag date sa'yo hindi mo kilala?!" pinandilatan pa niya ako.

"Kilala ko siya pero syempre ngayon pa lang naman kami lalabas. Nasa 'getting-to-know-each-other' part pa lang kami." sagot ko sa kaniya na ikinaikot ng mga mata niya.

Mag sasalita palang sana siya kaso tumunog ang phone niya. Tinaas niya ang daliri niya at tumango naman ako. Nag patuloy ako sa pag hahanap ng damit.

"Hello?" sagot niya.

Pumunta muna siya sa banyo. Makaraan ng ilang segundo ay lumabas na siya. May di-maipintang ekspresyon siya sa mukha.

"I,uh,need to go." nahihiya niyang sinabi sa akin. Pinakita niya yung phone niya. "Si Xenneth kasi, anu, may pinapabili."

Si Xenneth? May pinapabili? Tuloy pa kaya kami mamaya? Baka naman nakalimutan niya. Hindi nga siya nag tetext or tumatawag man lang. Ako nga nag-aya pero hindi naman ibig sabihin nun ay sa akin din niya iaasa ang details. O baka naman ako talaga dapat ang mag bigay ng details?

"Grazielle? " napa pikit ako. Hindi ko namalayan na tulala pala ako. "I need to go. I'm sorry."

"Okay lang yun. It must be important. " sabi ko sa kaniya.

Parating NapapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon