Waaah! May trabaho na ako haha. Medyo kinakabahan na Excited. Nosebleed na itey T___T lol XD!
------
Kabanata 10Ang panget
"Tangna ka Jaymie!! Ang bastos mo!!"
Lumingon ako sa likuran. Umalingawngaw ang boses ng isang babae. Naka upo kami sa gilid ng mga booths. Kumakain ng masarap na shawarma rice. Naka dalawa na ako tapos partneran pa ng gulaman. Wow lang ang feeling. Salamat kay Xenneth at nilibre niya ako.
Pero forget about that, anu ang ginawa ni Jaymie para bigyan siya ng isang malutong na mura nung babaeng hindi ko alam kung nasaan.
"What's going on?" tanung ni Almira pagka upo niya sa tabi namin.
"May ginagahasa ata ang tropa natin." sabi ni Gilbert. Seriously, what is wrong with this guy? Pag nag salita siya, kakaiba ang lumalabas sa bibig niya.
"Teka lang..." Umalis si Xenneth sa tabi ko. Gusto ko sana siyang pigilan kaso pinigilan ko din ang sarili ko.
Pinag patuloy na lang namin ang pagkain, nang biglang may sumigaw. At nagka gulo na sila. Agad naman kaming tumakbo sa lugar na kinatatayuan ng mga estudyante. Nakita ko na tumumba ang tent ng National bookstore.
"Tumawag kayo ng guard!!" sigaw ni Lauren na naroon din pala.
Naka singit ako sa gitna. May advantage din pala ang pagka payat ko. Pag dating ko sa gitna ay nakita ko ang rambulan ng mga lalaki.
Dalawa laban sa lima. At ang matindi dun, malalaki pa ang mga ito. Saan ba sila galing?! Taga dito ang mga ito?!
Nakita ko na tumumba si Xenneth at pumaibabaw sakaniya yung isang lalaki na mukhang tatay na. Grabe ah, ang bilis niya mag mature, unless na lang kung talagang tatay ang isang ito.
Nagulat sila ng bigla niyang sinuntok si Xenneth. Parang may tumulak sa likuran ko dahil ang sumunod na nangyari ay inatake ko yung lalaki. Kahit payat ako, napatumba ko siya at mabilis naman naka bangon si Xenneth.
"What the hell are you doing?!" tanung niya pagka higit sa akin.
Talaga Xenneth?! After ko iligtas ang gwapo mong mukha mula doon sa mala martilyo niyang kamao ay yun lang ang makukuha ko?! Nakaka loko din ang lalaking ito. Baka nga kung wala ako dito, nadurog na parang pulbos ang mukha niya.
"Hoy! Tigil!" pumito ang mga guards at agad naman nag takbuhan ang mga echoserang estudyante.
Tatakbo na din sana ako kaso hinawakan nung lalaking malaki ang braso ko. Patay.
"Saan ka pupunta?!" tanung niya at ngayon ay dalawang braso ko na hawak niya.
"Aray!! " pumipiglas ako pero masyado siyang malakas. May disadvantage din ang mga bagay.
"Akala mo ganun na lang kadali iyon?! Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na wag pumatol sa away ng iba?!" pinisil niya ang braso ko kaya napa ngiwi ako sa sakit.
"Hoy!! " hinarap siya ni Xenneth kaya nabitawan niya ako, "Hindi rin ba tinuro ng magulang mo na masama pumatol sa babae?!"
*BAM*
Sinuntok siya ni Xenneth. Bilib na ako sa kaniya. Sa laki nung lalaking iyon, hindi ko inaasahan na mapapatumba siya ni Xenneth.
"Okay ka lang?" tanung niya. Inexamine pa niya ang magkabilaang braso ko.
"O-Oo.. S-salamat..." sagot ko. Hindi ko alam kung bakit pero doon ako nakatingin sa labi niya. Ang lapit niya kasi, nakaka inis. Nadidistract tuloy ako, lalu na nung nasinghot ko yubg pabango niya. Anu ba pawis niya?! Axe?!
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...