Kabanata 2
Harang
*Tick Tock. Tick Tock*
Sumusunod ang mga mata ko sa gumagalaw sa gitnang parte ng medium size grandfather's clock namin. Ito lang din ang tanging ingay na naririnig ko sa loob ng bahay.
Maaga kasing nag alarm ang cellphone ko. Sa sobrang aga, mas nauna pa ito sa pag tilaok ng manok.
"Good morning yel..." pumasok si Manong Paeng na may hawak na isang tasa ng kape at dyaryo.
"Good morning din po manong." tamad kong sagot habang pinag lalaruan ang itlog na nabasag ang pula.
"Ka aga-aga naka busangot ka. Anu problema? " tinabihan niya ako at kumain ng pandesal.
Siya ang aming personal driver. Bata palang si daddy, driver na nila si Manong.
"Kinakabahan ka ba?" tanung niya sa akin habang naka taas ang dalawang kilay.
Ngumuso naman ako at umiling. "Second day pa lang po, bakit naman po ako kakabahan?"
"Kanina mo pa pinang hahalo ang iyong kutsilyo sa oatmeal eh." tinuro niya ang kamay ko at dun ko lang ito napansin. Kinakabahan nga ba talaga ako?
"Excited ka ata ngayon?" lumabas na si Dad mula sa kwarto niya kasama si mommy na mukhang antok pa rin. Maligalig kasi si Daddy.
"Hindi po. Nag kamali lang po ng lagay sa alarm." sagot ko sa kaniya.
Ginulo niya ang buhok ko kaya kumunot ang noo ko.
"Dad naman!! Inayos ko ito eh." sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.
"Ang cute cute kasi ng baby girl ko." kinurot pa niya ang pisngi ko.
"Mom! Look at Dad!" nag sumbong ako pero wala siyang ginawa. Naka tulala lang siya habang umiinom ng kape.
"Wag mo kulitin mommy mo." naka ngising sinabi ni daddy at kumain na.
Kung hindi dahil kay Dad, siguro hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Namamawis ang mga kamay ko. Oo, second day of school na, dapat hindi na kinakabahan pero iba nararamdaman ko.
Siguro dahil P.E. namin ngayon. Wala kaming uniform, kahit anu pwede isuot, maliban pag PE day. Naka black shorts ako at white t-shirt. Naka long blue socks at skechers na black.
Hindi ako athletic. Ako yung tipo ng tao na mas pipiliing lumangoy kesa tumakbo at mapawisan. Dati may naka laro ako ng soccer, iniiwasan ko ang bola. Ilang beses akong sinigawan nung kalaro ko pero hindi ako nakinig. Hindi ko na siya ulit nakita. Naisip ko na baka nagalit siya sa akin.
"Hanggang anung oras ka?" tanung ni Manong Paeng sa akin. Huminto na siya sa tapat ng gate. Ayoko mag pahatid hanggang sa harapan dahil baka kung anu-anong tingin ang makuha ko.
"Baka po hanggang 3 pero hindi pa po iyon sigurado." sagot ko habang nag aayos ng gamit.
Tumango lang si Manong at tsaka na ako bumaba. I'm a stranger again. Wala akong kasama habang nag lalakad.
Naka ponytail ang violet kong buhok na plano kong gawing pink kaso ayaw nila dahil bawal daw. Gusto ko sanang itanung kung bakit ang mga ritual sign na pang demonyo pwede itattoo tapos kulay pink na buhok bawal? Anu ito, joke time?!
"Hello!! " umangat ang tingin ko sa isang babae na bumati. Siya yung katabi ko kahapon sa math subject ko. Ngayon, mukhang classmate ko din siya sa PE.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...