Kabanata 20
Sick
The only thing that I can feel right now is pain. Pain in the head. Pain in the chest. Pain in my whole body. Pain in my heart...
Hindi ko alam kung anu ang nangyayari. I can hear beeping sounds. Nasaan ako?
School? Nope. Masyadong tahimik.
Home? Pwede rin. But my bed is not this soft. And its too cold.
Think Grazielle, what happened before all this blackness.
"We can't continue this anymore..."
His voice echoed in my head. It was raining and I was hurting. We broke-up.
"Grazielle?"
I flinch. Nasaan ba talaga ako? I can still hear the beeping sounds. I'm afraid to open my eyes. And I feel so tired. Pakiramdam ko matagal na akong nandito.
"Is she waking up?" boses ni daddy ang narinig ko. Maybe Im here at home. Pero bakit parang narinig ko ang boses niya?
"Grazielle?" another whisper from him. Is he here beside me? Nasa bahay din ba siya?
I open my eyes forcefully. Halos masilaw ako sa liwanag ng ilaw mula sa kisame. Someone touch my hand. It's a soft hand. And very familiar.
"Oh my God!" now its Mom's voice. Pinilit kong igalaw ang ulo ko pero pinigilan ako. "Don't force yourself baby..." hinawakan ni Mommy ang magkabilaang pisngi ko.
Luminaw na ang paningin ko. Doon ko nakita na wala ako sa bahay. Wala din ako sa school. The reason why this place is so quiet is that because it's a hospital. Nasa hospital ako and everything came back to me.
It was raining that day. Bigla akong nanghina. Bumagsak ang katawan ko. And the last voice that I heard was from Xenneth.
Mabilis akong bumangon. Tumingin ako sa paligid. Mom and Dad are here. May isa ding lalaking naka white coat sa pintuan. Maybe he's my doctor.
The beeping sound became very fast. Kasabay ng mabilis na pag tibok ng puso ko. I continue to look around. Sa tabi ko ay may ilang monitor ng tv. It has some lines and numbers that keeps on changing. Sinundan ko ang cords na naka-connect sa monitor at nakita na sa akin sila naka kabit.
"Grazielle, baby, look at me..." mabilis ang pag hinga ko. Hinarap ako ni daddy sa kaniya. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Tiningnan ko silang dalawa ni Mommy. Umupo sila sa kama. Puno ng lungkot at pagod ang kanilang mga mukha. Para bang matagal na silang nandito. Kulang sila sa tulog.
Tiningnan ko yung kamay ko. Walang naka hawak doon. Am I just imagining things? Wala si Xenneth pero narinig ko ang boses niya kanina.
Nawala ang tingin ko sa gilid ng kama ng matapatan ng maliwanag na ilaw ang mata ko. Hinawakan nung doctor ang aking baba at iniharap ng diretso sa kaniya ang aking mukha. Dahan-dahang bumagal ang tibok ng puso ko. Unti-unti ko itong napakalma.
"We need to check her vital signs." Salita nung doctor. May pinindot siya sa itaas ng headboard ko. May mga dumating na nurse. Kung anu-anong bagay ang ginawa nila sa akin. Nakinig na lang ako at tumahimik. Hindi ko pa rin alam kung anu ang nangyari sa akin.
"She is steady for now, but she still needs to stay here for a couple more days. Kailangan pa rin natin siyang bantayan." Kinausap nung lalaking doctor sila Mommy. Tiningnan niya ako bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Yumakap si Mommy kay Daddy at parang umiiyak siya.
BINABASA MO ANG
Parating Napapansin
Teen FictionGrazielle Salazar was not your typical girl next door. Introvert siya at socially awkward. Ilang school na ang pinag daanan niya but nothing really sticks to her. Not until she entered the gates of Greenhill Academy. For the first time, naka kilala...