---
Napabusangot ako ng hindi na ito mag reply! Wait wait pa siya, mang siseen lang naman pala.
Inubos ko nalang ang tubig at bumalik na sa kwarto. Bukas na nga lang ako mangungulit don. Kung may time.
The next day, we woke up early dahil plano naming pumasok na. Pinilit ko pa ang dalawa na parehong nagkasundo na hindi na daw papasok!
Aba, may activities na nga agad eh. Paano nalang ngayon na second day na? Ang chillin' ng dalawa! Tapos pag may namiss na activity, kabado naman. Mga baliw talaga.
"Hoy, bilis na, malelate na ko!" Sabi ko kay Beca kahit may 30 minutes pa naman ako.
Kasi naman! Ang bagal nag drive! Maghihintay pa ata itong matraffic kami dito eh.
"Aba bata, kita mo namang red light, diba?"
"Hindi pa naman red kanina." Rason ko.
"Wala pa kong balak mamatay, kung mabuhay man, wala akong plano makulong." Sarcastic niyang sagot.
Napangiwi ako. Mabuti nalang talaga at nakabili na kami ng damit kahapon sa mall. Si Vy ay hindi pa daw papasok kaya dadaanan muna namin ang condo niya. Nandon rin naman ang kotse ko kaya doon na kami maghihiwahiwalay.
Just like our plan, sa condo nga kami ni Vy nag hiwahawalay. Lahat sila may mga sariling condo na, ako lang wala. Malapit lang rin naman kasi ang bahay sa school ko. Tapos ayaw nina Mommy dahil maids nalang daw nakatira sa bahay.
And parang walang sense daw pagpapasweldo dito kung wala silang mapag sisilbihan.
I hated her mindset pero hindi naman ako makatalk back. She's scary.
Her strictness is scarier than Dad's. Si Daddy ay parang wala lang sakanya ang mga bagay bagay, he barely even comment about things habang si Mommy naman ay ang mapansin. Kahit maliit na bagay, pinapansin.
Hindi ko alam if I should be thankful ba na I barely get to see them or be sad about it. Kasi everytime they're home, I'm like caged!
Ang hirap lumabas ng bahay. I don't even get why they're strict whenever they're home. As if they don't know I'm always out if they're not around.
Or baka hindi naman talaga nila alam?
Paano naman nila malalaman, diba? I doubt they'll spend time knowing. I like my life like this better. Sanay naman na akong wala sila. So paano ko mamimiss o hahanap hanapin ang isang bagay na hindi ko naman alam ang pakiramdam. At ang naranasan ko lang don ay ang ayaw kong maramdaman naman.
I just hate the strictness. Parang hindi ko maintindihan. Bakit ganon?
Like why so sudden? Why everytime they're home they're like that? Pag nandito lang ba sila may pake? Mas ayos pang wag na sila umuwi kung ganon, diba? Kasi hindi ko naman kailangan ang ganong pake kung puro pag aayaw lang rin naman sa nakasanayan ko ng gawin.
I sighed, for sure uuwi sila sa birthday ko. Ofcourse, it must be grand eh. There may be media invited because there are business partners that'll attend. And they're big time.
Sure na iyon.
Sila lang naman ang nagiging big partners ng company namin. Mga big time. It's either big time engineers, architect, or construction related firms that are well known talaga, not only national.
My class made me feel bored. Wala namang activities, some doesn't even have classes. Mabuti at maaga ang tapos ng klase ko from Tuesday to Friday. Every Monday lang ako may pang gabi. Then no classes pag Saturday and Sunday.
I really made sure I won't have classes on that day because I know how stressing architecture is gonna be. Kaya pinili ko ang mga subjects or blocks na hindi Saturday ang schedule.
BINABASA MO ANG
All for Naught (NOTHING SERIES #1)
RomanceDue to Maeve Zahara Villacorta's parents planning everything out, even the people included in her precious 18's, she have decided to look for someone who can be her last dance in her 18 roses through Bumble. 'Bumble is anything aside from seriousnes...
