Epilogue

17K 310 52
                                    


---

Napasinghap ako habang nakatitig sa sarili sa salamin.

Ito na, ikakasal na ako sa babaeng mahal na mahal ko. I'm now in my suit, a beige one because she wants this color. Ayos lang naman, kahit ata pink ang kulay ay isusuot ko pa rin. Kasal namin, eh.

Inayos ko ang coat ko habang inaayusan ako ng buhok. Maging ito ay itinanong ko sa kanya. Kung anong gagawin ko sa buhok ko, kung ano ang gusto niya.

She wanted it brushed to the side with some strands left, falling on my forehead.

"Congratulations po, Sir," sabi ng nag aayos sakin bago umalis ng kwarto.

Napasinghap ako, kinakabahan na ngayon pa lang. Ilang oras na lang, ikakasal na kami. Sobrang gusto ko ng pabilisin ang oras ng makita na ito, ng mapakasalan na siya at maangkin niya na ako ng buong buo.

I was always willing.

Napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon. Nangiti ako ng makita si Ira.

She's wearing a beige gown that falls to her knees, iyong sa kanya ay off shoulder chiffon ang sa braso. We have different designs for all the bridesmaids but the same colors.

"It's obvious that you're nervous, Cai," sabi nito, nang aasar.

Tumayo ako dahil alam kong yayakap ito. Pagkatapos ay sinuntok niya ako sa braso na ikinataas ng kilay ko pero hindi nalang ako nagreklamo.

"Sinong hindi kakabahan, Amira?" I rolled my eyes.

"Sisipot yun,"

"Alam ko,"

Tumango tango siya at ngumiti. Pinadaanan niya ako ng tingin bago nag bigay ng like sign, approving it.

"First time mo maging gwapo sa paningin ko." Nang aasar nitong sabi.

"Kawalan mo."

Natawa siya. Nagkwentuhan pa kami doon. Thanks to her, medyo nawala ang kaba ko. Umalis lang ito ng... pumasok ang ilang kaibigang lalaki namin. She's obviously avoiding someone.

"Niceuu, pogi ah?" Pang aasar agad ni Miko.

I frowned and ignored them. Nasa kama ang iba nakaupo, ang iba nanatiling nakatayo. Lahat sila ay naka suit.

"Shet, akala ko talaga si Cairo mahuhuling ikasal, eh." Sabi naman ni Rishi. "Walang chiks,"

Nagkatawanan sila. Nailing nalang ako. Chiks amp. Kaya sila hindi rin sineseryoso, mga hindi marunong mag seryoso.

"Totoo! Akala ko si Cohen una, makakabuntis." Nakapangisi si Ben dito.

"Wala na akong babae, gago ka."

"Noon, bobo!" Sabi ni San.

Napahinga nalang ako ng malalim. Ang iingay na naman.

"Safe lang tayo dapat mga pars. Kita mo yang isa jan, tatahi tahimik lang pero mauuna pa pala."

"May anak agad."

Sinamaan ko sila ng tingin dahil sa pang aasar ng mga ito. Sabay sabay silang natawa, malakas pa!

"Iba talaga mga tahimik, tol, matinik."

Tinapunan ko na ng suklay na nandito si Rishi ng hindi pa rin matigil.

"Aba, assumero to. Hindi naman ik—"

"Oh edi sino, ha?" Hamon ko.

"Secret. Wag ka nga, di ka belong, lahat kami single." Pagtataboy nito.

"Tangina," napailing nalang ako at napamasahe ng noo.

Pati ba naman sa araw ng kasal ko, masstress ako sa mga gagong ito?

All for Naught (NOTHING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon