Chapter 35

12.1K 214 88
                                        


---

"Architect, wine po?"

Nilingon ko ang secretary ko na nag aya ng wine sakin.

"You know, it's not your job to serve me, Diane." May waiter naman para doon.

Kung nasa office ay matatanggap ko pa. Pero nasa isang event kami. A groundbreaking ceremony dahil finally, settled na ang plano and we can start na with the construction.

But before that, ofcourse, we need publicity. And groundbreaking ceremonies are a must.

"Ayos lang po, Architect. Mas kumportable po akong ganon."

I sighed and just nodded, agreeing for a wine.

Nang makaalis ito sa table at natulala muli ako. Ilang linggo na simula nung makausap ko si Cha. Sobrang nabigla ako na sobra akong nakaramdam ng sakit matapos ang sinabi niya.

Alam kong iniisip kong si Cairo at si Vy nga, pero masakit pala pag naconfirm. Sobrang sakit.

Ang hirap rin tanggapin na after everything I did, he'll still fall on someone else's arms. And in our situation, my friend's arms. Masyadong masakit.

Nag angat ako ng tingin kay Diane ng maglapag ito ng wine sa tapat ko. Naupo na rin ito muli sa tabi ko pero ang tingin ay nasa paligid.

Tahimik lang kami, gusto ko mang matigil sa pag iisip ay hindi ko magawa. Dahil iyon lang ang pumapasok sa isip ko. Ilang linggo na iyong bumabagabag sakin.

Sabi ko tanggap ko na ang consequences ng lahat eh, pero tangina, ginusto ko ba na iwan siya? Hindi! Kaya bakit ako nag susuffer sa desisyong hindi ko naman ginusto?

Napapikit ako ng mariin ng maging emosyonal. Ang hirap talaga ng ganito! Ang hirap magmahal, tangina.

Inisahan kong inom iyong wine na para bang I'm drinking a hard drink. God, I wish this was tequila.

Konti lang naman ang tao dito, just the people involved and the media. Wala nga sina Daddy eh, nasa ibang bansa. Mabuti naman dahil ayaw kong makita si Mommy. Baka mandilim ang paningin ko sa kanya.

At dahil wala sila, ako ang magpapakitang owner. Hindi naman talaga ako! Anak lang ako.

Hindi pa naman naipapasa iyon sakin kaya hindi naman ako ang may ari.

"Architect, mag start na daw po."

A mass will be held to follow a superstition. Hindi ko rin maintindihan pero hindi nalang ako nagtanong pa at hinayaan na kung ano man ang mangyayari.

I was just so silent the whole time. Kahit tapos na ang mass. Hapon ito ginanap kaya paniguradong gagabihin kami mamaya. Okay lang naman dahil maliwanag ang lugar.

Matapos iyon ay picture taking naman.

At dahil ako ang owner, I have to be with the engineers sa picture taking. Ayaw ko man ay hindi ko naman gustong gumawa ng scene. Kainis kasi, dapat sina Daddy ang nandito eh!

My secretary held the shovel while I put on a hard hat. Nang matapos ay halos hilain ko nalang ang shovel palapit sa gitna, where the photo will happen. Kainis, ang bigat!

Nagkatama ang tingin namin ni Cairo habang papunta ako doon. Bumaba ang tingin niya sa hila hila ko, napanguso pa ng konti, mukhang nangingiti na hindi. I looked away bago pa mag tama ang tingin namin ulit.

Naiinis ako sa kanya. Hindi ko rin maiwasang magtampo ng konti.

Dahil bakit sa pagkadami daming babae jan, kaibigan ko pa talaga ang ginirlfriend niya? Alam kong hindi ko naman na hawak iyong parteng iyon ng buhay niya pero sana... hindi kaibigan ko. Kasi ako, kahit maghiwalay kami, hindi ko maiiisip na jowain ang kaibigan niya.

All for Naught (NOTHING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon