---"Cai..." I muttered, almost a whisper.
Sumama ang tingin nito habang habol ang hininga. Nakasuot pa ito ng uniform sa work.
"Ayos ka lang, Chi?" Nag aalalang tanong nito, lumuhod pa sa harap ni Chi.
"Yes. Now, you go talk to your room na. I'll stay here." She then giggled.
My lips parted at what she said. Sobrang gulat ko at mas nagulat pa ng sinamaan ako ng tingin ni Cairo! Sobrang sama na hindi na ako nakagalaw at naka estatwa nalang, tulala sa kanya.
I... missed him. Everything about him.
My eyes started forming tears. Nakita ko ang pag igting ng panga nito at naglakad na paakyat habang inaalis ang suot na apron.
I stilled there, not knowing what to do. Hindi naman ito ang plano kong mangyari pag kakita namin eh. I plan to jump on him, hug him so tight! Pero paano ko gagawin iyon ngayon, na galit siya? Na iniisip niya may iba na ko! Na ipinagpalit ko siya.
"Ate, dali na!" Chi weakly pushed me.
Napasinghap ako, natauhan. I gulped a few times bago sumunod na nga sa taas. The doors on his room are opened, opened for me!
I wiped the tears that fell on my cheeks and calmed myself. Pakiramdam ko, mahihimatay ako dahil sa grabeng nararamdaman. Kaya kinalma ko muna ang sarili bago pumasok.
Naabutan ko itong nagbibihis na ng damit, mukhang naghilamos na rin. I took so much time!
"Cai..." I called.
Tumigil ito sa pag galaw pero hindi man lang humarap sakin. I bit my lips, naiiyak muli.
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig niyang sabi.
"Cai naman eh!" Hindi ko na naiwasan ang maiyak.
He faced me, masama ang tingin. Lumapit ito, akala ko yayakapin niya ako like what he always do but he didn't! Instead, he pulled me more inside his room before closing the door behind me. Binitawan niya rin naman ako agad at lumayo.
"Cairo," tawag ko.
He only glanced at me and didn't talk, he pretended he's busy with something in his drawer.
"Cai... hindi kita pinagpalit. Wala akong iba, please listen to me." Umiiyak na sabi ko, nauutal pa dahil sa sobrang hikbi.
Tumigil muli siya sa ginagawa pero hindi na humarap sakin.
"Hindi naman tatlong araw ang flight papunta dito pero nagtagal ng tatlong araw para malaman ko ang sagot mo." Malamig nitong sabi.
"Makinig ka muna sakin, please."
He faced me, full of anger, "Sige nga? How will you explain the situation. You're all over the news, Maeve. Hindi man kita ang mukha mo pero alam kong ikaw yon. You sent me a photo of you before you left, tapos uuwi ka, buhat ng isang artista?! Tangina."
"Pero hindi yon ganon." Nanghihina ang boses kong sabi.
Parang wala akong lakas, parang nanghina ako muli, maging ang tuhod ko. Napabagsak ako sa sahig dahil sa panghihina.
Napaigting ang panga nito bago lumapit. Galit man ay ramdam ko ang rahan sa galaw nito ng tignan niya ang tuhod ko.
"Dalawang pasa. Bakit ka may pasa?" Seryoso nitong sabi.
I bit my lips, "Hindi ko alam."
His brows furrowed, mas sumama ang tingin nito at mas dumilim ang mukha.
"Mas mapapadali ang usapan kung magsasabi ka, Maeve." Mariin nitong sabi.
Tears fall on my cheeks with how he's treating me. I missed him so much, tiniis ko ang lampas limang buwan na hindi siya nakakasama just to get this treatment?!
![](https://img.wattpad.com/cover/316851306-288-k253009.jpg)
BINABASA MO ANG
All for Naught (NOTHING SERIES #1)
عاطفيةDue to Maeve Zahara Villacorta's parents planning everything out, even the people included in her precious 18's, she have decided to look for someone who can be her last dance in her 18 roses through Bumble. 'Bumble is anything aside from seriousnes...