Chapter 17

11.4K 194 26
                                        


---

"Oh, rinig mo Cohen? Engineer rin daw gusto niya! May pag asa!" Sabi ni Rishi.

"Tangina mo, Cinco!"

Nanlaki ang mata ko ng may unan na biglang lumipad sa unahan ko papunta kay Rishi. May narinig rin akong napatili sa may dining area. Isang nagtataray rin.

"Badtrip tong Rishi na to. Di maka move on." I think that was Ira.

"Hindi talaga! Ship pa rin!"

"Shit ka!"

Napalingon ako kina Ira at nakita ko itong masama ang tingin kay Rishi. Si Cohen naman ay natahimik at mukhang ayaw na atang magsalita. Mukha ring napapaisip ito.

Habang ang iba nilang kasama ay panay tukso at tawanan. Mukhang tuwang tuwa.

Nilingon ko si Cairo ng maramdaman ko ang kamay nitong humawak sa kamay ko at pinag intertwined iyon. Nakasalubong ko ang mata nito. Ramdam kong namumula ang pisngi ko dahil sa ginawa nito pero hindi ko ipapahalata na apektado ako, syempre!

Baka mamaya ay kami pa ang maging sentro ng asaran.

"I'm sorry, they're noisy." Sabi nito sakin, halos bulong.

"Ayos lang. They're fun."

"Maingay naman."

"C'mon, it's a party. Hindi naman pwedeng walang ingay. Ano yun, prayer meeting?" Sarcastic na ani ko.

Nginiwian niya ako na ikinatawa ko ng mahina. Ang cute niya naman. Napatingin kaming dalawa sa mga kaibigan niya ng umubo ubo ang mga ito. I felt shy! Napasiksik tuloy ako kay Cairo!

"Kainan na para maka inom na! May research pa tayong aasikasuhin bukas oy." Sabi ng isang lalaki na umuna na sa kainan.

"Kaya nga! Tara, gutom na ko!" Sabi naman ng isa pang lalaki.

Cairo stood up and pulled me up, too. Dinala niya ako sa dining area. Nandoon pa rin ang mga babae nilang kaibigan. The table is long tapos nasa gitna na ang mga pagkain kaya doon nalang kami umupo.

Mukhang kasya naman kami eh.

"Before that," sabay sabay kaming tumingin kay Cairo ng magsalita ito bigla. "Not the right time to introduce her because it's not my party, but still... meet my girlfriend, Maeve Zahara."

"Yun oh!"

"Finally, pinakilala na!"

"Sinabi ko na kanina." Naguguluhang sabi ni Cairo sa mga ito.

"Hindi ganon mag introduce, Cairo." Sabi ni Ira, tunog masungit iyon, napairap pa ng mata.

I bit my lips, napatitig rin ako dito dahil hindi ako makapaniwalang walang annoying expression siyang pinapakita sakin. To be honest, mas mukhang naiinis pa siya sa mga kaibigan.

Cairo sighed and ignored his friends, instead, he introduced his friends to me.

"You know Rishi already. Miko, the birthday boy. Cohen. Ben, his twin is Brylle. Gennie. Ira. The last two guys, San and Gil."

Tinuro nito isa isa ang mga kaibigan. I didn't notice na may twins pala. Ngayong natitigan ko ay saka ko lang narealize na magkamukha nga! Pero hindi sobrang magkamukha. They're not identical, I think.

Hindi naman nakakalito ang mga kaibigan niya dahil halata ang pagkakaiba nila sa isa't isa. Their features, skin tone, the way they talk and also, their aura. May mga intimidating like Cairo na bihira natawa at nasalita like Ben and Gennie. While Brylle keeps on laughing naman. Rishi and Miko also laughs a lot. While Ira is neutral, same with Cohen, San and Gil.

All for Naught (NOTHING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon