Chapter 4

11.2K 182 2
                                    


---

Napalunok ako matapos marinig ang boses na hindi pamilyar sakin.

Hindi ko alam ang gagawin, mumulat ba ako, haharapin ang taong nasa likod ko o tatakbo papuntang sasakyan?! Hindi ko maiwasang matakot! Kinakabahan na ako!

Ayoko na, hindi na talaga ako aalis ng mag isa.

Vy! Beca! Cha! Help!

Napakapit ako ng mahigpit sa bag ko as I slowly opened my eyes. I tried calming myself first bago humarap sa lalaking wala namang ibang ginawa kundi tawagin ako.

But my fear immediately got replaced by shock when I saw an unfamiliar yet familiar image!

My lips even parted. Madilim but everytime the light lights, his face starts registering on my mind! Nawala na ang takot ko at napalitan nalang talaga ng gulat!

Oh my god?!

Is this Cairo?! Yung sa bumble?! And damn, he looks handsome! Like handsome handsome!

Parang yung kapogian niya sa picture, naging high quality sa personal. Napatitig nalang ako, gulat. Hindi alam kung dahil ba sa pagkabiglang nasa harap ko nga siya or sa mukha niyang napakaperpekto.

Unti unting napakunot ang noo nito ng hindi ako umimik and just stared at him.

I bit my lips hard para matauhan. When I did ay napalayo ako dito ng konti, baka mabawasan epekto ng mukha niya sakin!

"C... Cairo, diba?" Paninigurado ko, nautal pa dahil sa matagal na pagkakagulat.

His eyebrows raised, lips pursed as if he has no plans on answering me. Napakagat labi ako when I realized how awkward the situation is.

"Uh, ano, thank you pala."

Naging malikot ang mata ko at nilingon pa iyong pwesto ng lalaki kanina sa likod ko kahit hindi ko naman alam saan talaga iyon nakatayo kanina!

"Yeah," napatango ito.

He didn't even look at the place I looked at. Nanatili ang titig nito sa akin and because of the darkness, hindi ko mabasa ang emosyon niya.

I blew air on my cheeks, kailangan ko ng umalis pero ayaw ko rin umalis! Paano ko gugustuhin kung ganito pala ito kagwapo?! At napagkamalan ko pang poser! Sa masungit na mukhang iyan at malamig, mapagkakamalan ko pa talagang ganon?!

I cleared my throat, "Hindi ka nga poser."

Napataas muli ang kilay nito, hindi man lang nangiti or ano! Talagang napataas lang iyon! Jusko, kinakabahan tuloy ako! Pakiramdam ko, jinajudge ang buong pagkatao ko ng lalaking ito.

"Sabi ko nga." Maikli nitong sagot.

He moved and tucked his hands on his pockets. Napansin ko tuloy na naka apron ito na nude, I think, dahil iyon ang mga suot ng crew doon. And there's even a name tag on his chest, heart part.

He looked like he's wearing a polo and slacks, but I can't determine the color of each.

"Wala kang sinabi. You said report mo!" Napanguso ako ng maalala ang message nito. "Did you forget?"

He shrugged, hindi umimik. Napangiwi tuloy ako.

"Ang tipid mo sa laway." Pansin ko.

Napataas ang isang kilay nito pero ngayon, maging ang isang gilid ng labi ay napataas ng konti. Napakurap kurap tuloy ako, parang naka live view iyong nasa profile niya!

Para rin siyang may masamang plano dahil sa lalim niya makatitig tapos madilim pa dito! He's like a shadow mixing on the dark well!

I mean, nag mimix well naman talaga ang shadows sa dark. Basta yun na yun!

All for Naught (NOTHING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon