Chapter 36

10.6K 178 42
                                    


---

Lumaki ang ngisi nito ng makita ang gulat sa mukha ko.

I gasped a little when I felt him cup my chin and made me look up at him. He raised his brows.

"W-What did you say?" Nauutal kong sabi.

He blew air on his cheeks as he stared at my face before shrugging.

"Nagsalita ba ako?"

"What?"

Nailing ito bago bumitaw na sakin, "I said, dinner?"

"No!" Agad kong tanggi bago dali daling lumabas ng office.

Shit!

Tama ba iyong narinig ko? He called me mahal! Does that mean he's flirting with me? But isn't he taken?

How dare he!

Isusumbong ko siya kay Violet! Makikipagbati na ako para masumbong siya!

I was waiting for the elevator to open when he stood beside me. Napapikit ako ng mariin, hindi nagugustuhan ang ginagawa nito. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko! Mas lumala pa sa mga nakaraang oras dahil sa ginawa niya kanina!

Tahimik lang ako habang nasa elevator kami. Siya ay nakasandal sa likod habang ako ay nakatayo ng maayos. I can feel him staring at me but I'm not looking.

I have no plans on looking!

Nang bumukas ang elevator ay saka ko lang ito nilingon.

"Wala akong plano maging kabit."

I immediately went out of the elevator after what I said. Pero hindi pa rin nakatakas sa pandinig ko ang sinabi nito.

"Wala rin akong plano maging kabit mo."

My lips parted but I continued walking away. Paano ako magkakaroon ng kabit eh wala nga akong asawa nor even committed to anyone!

Nang makauwi ay nawala agad ang lahat ng iniisip ko ng makita ang mga anak. Nasa sala ito at naglalaro, si yaya ay nakatingin sa kanila, nagbabantay.

"Hello, I missed you guys!" I greeted bago lumuhod sa sahig.

"Mama!" Masayang bati ni Riley, agag lumapit para humalik.

"Mishu," mahinang sabi ni Reagan, kissed my cheeks, too.

"Mama doesn't have work tomorrow. Who wants to go to the mall?" Masayang sabi ko, encouraging the two.

Namimiss ko kasi sila kabonding. Masyado akong naging busy. At nagiguilty rin akong palagi lang silang nandito sa condo.

"Me!" Sabay na sabi nila.

I giggled, "Okay. Sleep early tonight, then?"

"Yesh!"

I kissed their cheeks, nanggigigil bago pumasok sa sariling kwarto.

It's my first time bringing them outside. Sana hindi malaman ni Mommy or what.

Kakatapos ko palang maligo ng marinig ko ang pag ring ng phone ko.

"Yes, Diane?"

"Architect, tumawag po ang Mommy mo, sabi niya po ay huwag ka na daw po mag accept ng new clients at mag focus daw po sa firm na under construction."

"What?! Anong gagawin ko doon?" Irita kong sabi.

Tapos na ko sa part ko, hindi ko kailangan tumigil sa pagtatrabaho just to focus on that firm!

"Ipinalipat niya na daw po ang clients mo kaya wala ka na pong schedule simula next week." She sounded hesitant telling these.

Napapikit ako ng mariin, "Tell her to call me."

All for Naught (NOTHING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon