---
"What?" I whispered in shocked after reading her message.
Ayaw niya na sakin? Iiwan niya na ako?
Napatiim bagang ako, hindi naniniwala pero sobrang nanakit ang puso ko sa nabasa. Is this true, Maeve? Baka jinojoke niya na naman ako, eh!
Pero iba ang pakiramdam ko.
Napahinga ako ng malalim at mahinang hinaplos ang puso. Masakit talaga. Parang may tumusok. Bigla nalang rin ako nanlamig.
Napasinghap ako bago kinuha ang wallet at umalis ng condo niya. May problema ba kami? Did I do something bad?
Hindi pa naman siya nakikipaghiwalay, diba?
Sobrang lalim ng iniisip ko habang papunta doon. Pakiramdam ko ay iiyak na ako anytime soon. Tangina.
Wag naman, Maeve.
The first night I went there. She didn't face me. Their guards didn't even let me enter unlike before.
Doon na ako tuluyang namutla. Hindi niya naman ako iiwan, diba? Hindi pwede, tangina! Ano yun, pumasok lang siya sa buhay ko para saktan ako?
"Kuya, pasabi limang minuto lang po, please." Halos nanghihina kong sabi sa guard dahil sa takot.
"Pasensya na, hindi talaga pwede. Ayaw ka niyang makita."
Umiling ako, hindi naniniwala. Hindi niya ako iiwan ng ganon ganon lang. Dalawang taon na kami! Lampas pa nga eh. Kilala ko na siya, alam ko paano siya mag isip.
Agad man itong nag dedesisyon ay duda akong magdidesisyon itong iiwan ako bigla ng hindi ako kinakauusap.
"Mahal ako non, eh." Mahina kong bulong sa sarili, nagsituluan na rin ang luha sa pisngi.
Nanatili akong nakatingala sa kwarto nito, naghihintay na sumilip siya at makita ako para papasukin ako. Para kausapin ako. Diba? Papapasukin niya ako. Mahal ako non, hindi niya ako iiwan...
Napasinghap ako dahil sa grabeng luha na panay tulo. Ni hindi ako nahikbi, nanatili ang titig ko sa veranda sa kwarto ni Maeve, naghihintay na lumabas siya.
"Cairo, ayaw daw talaga. Umalis ka na lang, oh. Kami malalagot pag nanatili ka eh."
"Kuya, pasabing hindi ako naniniwala na ayaw niya na sakin. Kausapin niya ako at sabihin niya iyon mismo sa harap ko kung gusto niyang maniwala ako."
Napabuntong hininga ito bago pinakita sakin ang phone nito.
"Naririnig ka niya. Ang sabi niya, umalis ka na daw."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at agad napahakbang palapit.
"Maeve! Talk to me! Maeve..." Hindi ko na naituloy pa ng itago na iyon ng guard.
Napayuko ako, ngayon ay humihikbi na. Tangina. Ang sakit. Anong ginawa ko bakit gusto mo kong iwan, mahal? Anong ginawa ko?
Hindi ako naniniwalang iiwan mo ko. Hindi ko talaga magawang maniwala.
Mahal mo ko, diba? Mahal na mahal mo ko. Sabi mo babalik ka pa. Babalik ka, diba?
Napasinghap ako dahil ilang oras na ako doon sa labas ng gate nila ay hindi man lang ito lumabas. Hindi pa sana ako aalis ng nilabas ako ng isa nilang katulong.
"Tulog na siya, Cairo. Kanina pa. Kaya... Kaya umalis ka na. Mawawalan ng trabaho ang mga guards dito pag hindi ka nila mapasunod eh." Mahinahong sabi nito.
Napailing ako at napayuko, sobrang umiiyak na.
Hindi. Hindi ako naniniwalang tinulugan niya ako.
Mahal ako non!
BINABASA MO ANG
All for Naught (NOTHING SERIES #1)
CintaDue to Maeve Zahara Villacorta's parents planning everything out, even the people included in her precious 18's, she have decided to look for someone who can be her last dance in her 18 roses through Bumble. 'Bumble is anything aside from seriousnes...
