Chapter 5

10.6K 225 13
                                        


---

I nervously looked at the manager who now looked so mad.

And I feel so guilty for being careless! Iyong nabunggo ko, si Cairo! Damn it, nakakahiya and nakaka guilty. Pero siya ay walang emosyon lang na nakatingin sa manager nila na nagsesermon.

Someone cleaned the broken glasses habang si Cairo ay pinatawag sa opisina. And since I was at fault, sumama ako!

"Bago ka pa lang pero ang dami mo na agad nabasag! Saan ka kukuha ng pambayad doon?! Ha?! Dalawang buwang sweldo ang maaaring hindi maibigay sayo!" Galit na sabi nito.

Napasinghap ako. Sobrang nagiguilty. Hindi niya naman kasalanan! It was me dahil mabilis ang pagbaba ko sa hagdan! Na I shouldn't have!

"Lintek naman oh, lagot tayong lahat sa may ari. Bagong bukas itong shop na ito pero mukhang magsasara sa pagkalugi dahil sa katangahan mo!"

I bit my lips, hindi kinakaya ang mga naririnig. Why is he so harsh?! Hindi ba pwedeng pakinggan niya muna si Cairo? Hindi niya naman sinasadya! And why is he getting all the blame eh ako iyong may kasalanan?!

Kita ko ang pagtiim bagang ni Cairo pero hindi ito sumagot. Instead, he looked down. Hindi mukhang nagpapakumbaba, mukhang tinatago ang inis.

Napalunok ako bago iniawang ng malaki ang pinto. Nandito kasi ako kanina dahil hindi naman nila sinarado iyon. Hindi lang ako makakuha ng tiyempo sa pagpasok kanina dahil sa naabutang pangyayari.

"Excuse me po," Sabi ko, nagdadalawang isip sa gagawin pero I have to!

Hindi naman pwedeng si Cairo lang ang mapagalitan! At masisi sa nangyaring hindi niya naman kasalanan!

"This room isn't for customers." Masungit na sabing manager.

Pero hindi ko ito pinansin. Pumasok ako kahit ayaw niya. Pareho silang napakunot noo sakin kaya kinabahan ako! But I can't be a coward! I should know when to stand up for my mistakes!

"I'm here to apologize. I'm the sole reason th—"

"Hindi mo kasalanan, Miss. You can leave now." Mahinahong sabi ng manager. Pilit na hinahon.

"Hindi... po. I was clumsy and careless. Hindi niya po kasalanan. I'm willing to pay the price." I insisted.

Kita ko ang pagsama ng tingin sakin ni Cairo na ikinakaba ko lalo. But I didn't let it stop me! Lumapit pa ko sa kanilang dalawa.

"Siya ang may kasalanan, Miss. And this is none of your business." Pilit ng manager, tinuro pa si Cairo.

"Ako nga po ang may kasalanan so this is my business. You can check the cctv's. It was me who's at fault." Sabi ko.

Napakunot noo siya, si Cairo ay ramdam ko pa rin ang masamang tingin pero hindi ko siya nililingon.

Ayoko nga, kinakabahan ako sa kanya! Feeling ko galit siya sakin!

"You're not at fault, Miss." Naiinis na sabi nito, parang gusto na talaga akong paalisin.

"Then who's at fault? It can't be him, he's just calmly doing his job. Kaya it's only me or the placement of your door to blame." Sabi ko.

Duh, I'm an architecture student! May natutunan na rin naman ako sa isang taon ko, ano. The door was literally connected with the stairs. Ang weird. Pagpapapasok galing doon at may pababa, talagang magkakabungguan!

"Mas lalong walang kasalanan ang contractor nito, Miss. And please, if you're here to mess things up, just leave. You're disturbing things." Puno ng authority nitong sabi.

But instead of being afraid, hindi ko maiwasang mapataas ng kilay. Hindi ako nagpapatalo sa kanya especially that I know I'm proving something!

"I am not. I'm here to settle things. Wag mong ikaltas ang damages sa sweldo niya. I'll pay for everything." Masungit kong sabi dito, naiinis with how he looked at me from head to toe while I was saying that.

All for Naught (NOTHING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon