Chapter 14

11.3K 233 59
                                        


---

Napakagat labi ako para magpigil ng ngiti habang nakatingin sa labas ng sasakyan.

I'm now with my girls. Pauwi na kami.

Naalala ko na naman iyong kanina kaya nangingiti na naman ako. Kasi naman eh! Ikaw na, Cairo. Ikaw na magaling magpakilig!

Daya!

Humanda siya sakin next time.

The whole week, I was busy with my exams. Siya rin kaya hindi kami gaanong nag uusap sa phone. But this time, he often updates me! Sometimes he even video calls me!

The changes? It's making me soft.

Friday night was when we went to Cha's. Tapos na ang mga exams namin kaya ngayon, we have plans on drinking! After a stressful week, we deserve this.

"Traffic na." Sabi ni Beca nung maabutan na kami ng traffic sa daan.

"Friday eh." Sagot ko.

"Bakit kasi gabi na tayo umalis? Dapat kaninang hapon!" Reklamo ni Vy.

"Sino ba may exam hanggang three, Vy?" Sagot naman ni Beca.

"Right!" Sabi nito at napakamot pa ng ulo.

Siya ang may exam hanggang three. Sabi nga namin ay bukas nalang pumunta doon pero siya ang nagpumilit dahil gusto niya daw uminom. Dahil nastress daw siya masyado sa last subject na inexam niya.

Kami ni Beca ay go lang naman. Kaya lang, ngayong sobrang traffic ay nakakapang sisi na!

Inabala ko nalang tuloy ang sarili sa phone. Kay Cairo.

maybemaeve.v:

We're on our way to Cha's condo but there's so much traffic :(

Hindi naman nagtagal ng magreply ito. May work siya! Nag pupuslit na naman ata iyon sa pag phone. He once told me kasi na bawal mag phone while they're working.

Kaya inasar ko tuloy kasi paano siya nakakapagreply sakin, diba. Hindi naman siya umamin na nagpupuslit siya sa pag phone!

cairodevin.b:

Ingat.

Lalabas ka mamaya?

maybemaeve.v:

Hindi. We're gonna drink. Nag aya si Vy.

cairodevin.b:

Okay. Drink moderately. I'll see you tomorrow, can I?

And I'll talk to you later. Nandito ang boss namin. I can't use my phone.

I chuckled after reading his messages. Hindi daw tapos nakapag reply. Tsk, tsk, Cairo.

Cutie.

maybemaeve.v:

Okay. Work well.

Ibinaba ko na ang phone at tinignan ang dalawa na nagbabangayan pa rin. Ano bang bago? It's a normal sight for me na.

I connected to Beca's speaker and played a music para mabawasan ang ingay ng dalawa. Sinamaan nila ako ng tingin pero hindi ko sila pinansin. Bahala sila jan.

Nang makausad na ang sasakyan at marating na kami sa condo ni Cha ay agad itong naglabas ng inumin! Parang ready na ready na, kanina pa!

"Hindi mo man lang kami aalukin ng dinner?" Nakabusangot kong sabi.

"Hindi, para lasing agad."

"Gago!" Sabi ni Beca bago humalakhak.

Nakipag apir pa ito kay Cha bago naupo sa tabi nito. Si Vy naman ay hinila ko patabi sakin sa sahig. Para magkalayo sila ni Beca at hindi mag bangayan!

All for Naught (NOTHING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon