Chapter 10

11K 204 17
                                        


---

It was so awkward the first minutes after that happened. He cleared his throat bago nagpaalam na maglalakad lakad daw muna.

Damn!

Bakit naman kasi kailangang mangyari iyon! Ako ay nilantakan na lang iyong fries dahil gutom na. Tulala lang sana ako pero narinig ko na ang tiyan kong natunog eh.

Nang makabalik ito ay naupo muli siya sa trunk. He looked serious now. Inabot ko sa kanya ang tunaw ng sundae. Napalingon siya sakin bago sa kamay ko then to my feet.

"Masakit pa?" He suddenly asked.

I bit my lips and shook my head, "Not anymore."

He nodded then just looked in front. In the city. The air is so fresh. Malakas rin ang hangin, tapos makulimlim pa dahil sa mga puno. It not only have a great place but also a great atmosphere, a great view.

It's really amazing.

Ang romantic pag kasama mo si crush. Joke.

We had a long silence. None talked, parehong nakain at nakatingin lang sa labas. Nang maubos ang pagkain ay inayos niya ang mga iyon at pinagsama sama sa isang plastic.

I bit my lips, "Cairo," He looked at me and raised a brow. "Hindi ko yun sinadya ah."

His jaw tightened as he looked away immediately after I said that. I pouted. I'm so good at making things awkward, god.

"Okay."

"Promise," sabi ko pa dahil pakiramdam ko hindi siya nag aagree sa sinabi ko!

"Hindi ko naman sinabing sinadya mo." Mahinahon nitong sabi, nakipag titigan.

"I'm... I'm just clearing my name. Baka iba isipin mo sakin." I pouted.

He raised a brow, "Does that matter?"

I looked away, "Yes," I said in a low voice.

"Hmm?"

"Yes," ulit ko. "It matter."

"Bakit?"

I shrugged, "Baka isipin mo chansing ako!"

"Bakit ko naman iisipin yon, Maeve." He scoffed.

"Dahil sa nangyari! Mukha ka pa namang judgemental."

I immediately covered my mouth after realizing what I said. Siya ay sinamaan ako ng tingin. I giggled and gave him a peace sign.

"Di ko ulit sadya."

Instead of talking, he only raised me a brow and gave me a thumbs up. I chuckled, tipid na tipid sa laway talaga! Saan niya ba iyan sinesave?! Paano kung end of the world na bukas, edi ano pang sense diba.

Pero bakit muna siya nagsesave ng laway?

I shook my head because of my thoughts. Ang weird.

Dahil sa nangyari ay hindi ko tuloy maiwasang paglaruan ito! I kept on teasing him. Ang cute kasi! 

Gabi na nung umalis kami doon. We watched the sunset! Marami kaming ginawa rin doon like how I opened his gift in front of him. He even looked shy about it at sinungitan pa ako! Paano ko daw kasi nalaman pang sa kanya iyon!

Paanong hindi, may nakalagay doon na from Cairo. Baliw rin tong isang to eh.

Edi sana hindi niya nilagyan kung ayaw niyang malaman kong galing iyon sa kanya, diba? God, Cairo.

"Saan ka sasakay?" I asked him while I'm driving back to the city. He shrugged, hindi umimik. I pouted. "Dapat pala hindi tayo nagpagabi masyado. Tapos traffic pa."

All for Naught (NOTHING SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon