---
The moment I turned around after closing the door of Cha's condo ay agad akong napatili.
Yung tatlo!
Nakaupo sila sa sofa, mga naka shades pa at naka cross ang braso. Sakin nakalingon ang mga ulo nila pero ewan sa mata!
"Well, well, well," sabi ni Vy.
Ako ay napaawang ang labi lalo pa nung sabay sabay silang tumayo, naglakad palapit, at inalis ang sun glass. Mapanuri ang mga tingin nito sakin!
"Ano?" Kabado kong sabi.
Pinanliitan ako ng mata ni Cha, si Vy at Beca ay parehong nakataas ang kilay.
"Saan ka galing, bata?" Sabi ni Beca na ikinabusangot ko.
"Sa labas. Kita mo naman."
"Ay aba, pilosopo pa." Sabi ni Vy, napasinghap pa.
I pouted, acting cute now so they'd let me go.
"Tatlong oras ka sa labas. Anong ginawa mo?" Seryosong sabi ni Cha.
I pouted more, "Nagkape!"
Damn it, I really should practice lying dahil mahuhuli ako kung hindi ako magsisinungaling! Jusko lord talaga, guide me g.
"May kape dito!" Sabi ni Vy, parang taga sulsol lang sa dalawa para mas mapagalitan ako.
"Mas gusto ko sa labas magkape. I can't sleep!"
Lumapit bigla sakin si Beca. I stilled after she smelled me. Napakurap kurap ako dahil sa pagkabigla ng ginawa niya! Nang lumayo ito ay nilingon nito sina Cha.
"Safe, hindi siya amoy lalaki."
"What?!" Gulat kong sabi.
Naaamoy ba iyon?! Lintek, nakailang lalaki na ba itong babaeng to for her to immediately know? And mali pa, I was with a boy kaya! Pero mabuti na ring mali siya.
"Hindi ka daw amoy lalaki." Ulit ni Vy.
Napabusangot ako, "Naintindihan ko."
"Oh ba't mo pa tinanong?!" Napakunot noo pa ito sakin.
I shook my head and looked at Cha na ngayon ay tahimik lang na nag oobserve sakin. Pinag aaralan niya ako! Jusko, kinakabahan tuloy ako.
"Tara na, matulog na. May klase si Cha bukas." Sabi ko to escape the attention.
"Hindi pwede!" Sabi ni Vy kaya mahina kong hinila ang buhok nito. "More sermon. Unfair! Pag ako, isang orasing sermon!"
"I'm the favorite child." Sabi ko, nang aasar bago hinila si Cha papasok sa kwarto niya.
"Unfair talaga ang mundo." Rinig kong sabi ni Beca kay Vy, nang aasar.
I chuckled. Nang makapasok ay saka lang ako bumitaw kay Cha. I changed clothes first dahil galing akong labas. Nang matapos ay nakita ko si Cha na nakahiga na.
God, nahuli ako! Next time, I'll be extra careful. Kung may next time pa ba.
Damn, Cairo, hindi ka pwedeng magalit!
Nang maisip muli siya ay inabot ko ang phone so I could message him.
maybemaeve.v:
Hindi ko alam ano ang ikinagalit mo but please enlighten me. :(((
Hindi ko na uulitin, promise.
I stared at my messages before turning my phone off when he didn't reply. Nakauwi naman na siguro iyon, ano? I hope.
BINABASA MO ANG
All for Naught (NOTHING SERIES #1)
RomansaDue to Maeve Zahara Villacorta's parents planning everything out, even the people included in her precious 18's, she have decided to look for someone who can be her last dance in her 18 roses through Bumble. 'Bumble is anything aside from seriousnes...
